Search
  • BULGAR

Plasma ng Pag-asa, ginawang website ni Sen. Angara

ni Lolet Abania | July 2, 2020




Nanawagan muli si Sen. Sonny Angara sa kapwa niya covid 19 survivor na mag-donate ng kanilang plasma kung saan nag-introduce siya ng website ukol dito para mas maging kumbinyente sa lahat.


Tinawag na Plasma ng Pag-asa website kung saan ang mga covid 19 survivors ay maaring mag-register at ang kanilang convalescent plasma ay magagamit ng mga pasyenteng may matinding infection.


Sa prosesong ito, ang antibodies ng nakarekober sa covid 19 ay mapupunta sa mga nasa kritikal ang kondisyon.


"It’s time COVID-19 survivors pay it forward! My office, with help from Bacolod-based web developer Talking Myna, developed #PlasmaNgPagasa, a one-stop-shop website where COVID-19 survivors can privately register with collecting hospitals their intent to donate convalescent plasma," sabi Angara sa Facebook post.


Ayon kay Angara, nakikipagtulungan ang kanyang team sa Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, at St. Luke's Medical Center (BGC and QC).


"Some studies suggest that convalescent plasma from COVID-19 survivors can help those who are critically ill to recover faster from the disease. While more research is needed, a University of Texas at Austin peer-reviewed study has found that the experimental treatment is completely safe," sabi ni Angara.


Muling nagbigay ng plasma si Angara para makatulong sa mga tinamaan ng coronavirus.


"Sa madaling salita, mas may pag-asa, ‘pag may plasma," ayon pa sa kanya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.