Bag, tsinetsek ng guard sa iskul... College student nag-bomb joke, kinasuhan
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | August 27, 2026

Photo: PNP
Sa halip na silid-paaralan ay diretso sa kulungan ng pulisya ang isang college student makaraang magbiro ito na may bomba sa kanyang bag habang kinakapkapan sa gate ng pinapasukang unibersidad sa Argao City, Cebu, Martes ng hapon.
“Baka may bomba d'yan at sumabog,” ang pabirong sinabi ng 20-anyos na estudyante sa security guard na nagsasagawa ng inspeksyon.
Gayunman, hindi nagbiro ang guwardiya at itinuring na seryosong banta ang sinabi ng estudyante kaya agad ipinaalam sa Student Affairs Office (SAO) ang pangyayari.
Tumawag naman ang Dean of Student Affairs sa pulisya.
Kalaunan, isinuko sa pulisya ang estudyante para sa kaukulang imbestigasyon.
Ayon kay Police Staff Sergeant Mark Anthony Dicdican, naisampa na kahapon ang reklamo laban sa estudyante.
Sinabi ni Dicdican na kinasuhan ang estudyante dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727, na nagpaparusa sa malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa mga bomba at pampasabog.





Comments