Misis at 3 anak, hinostage ng mister
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 27, 2026

Photo:PNP-PIO
Nailigtas ng mga awtoridad ang mag-iina matapos i-hostage ng sariling ama sa isang barangay sa Bugallion, Pangasinan.
Batay sa report ng Bugallon Municipal Police Office, nakatanggap sila ng report ng umano'y hostage incident kaya agad na nagpadala ng responde at naabutan ang suspek na armado ng itak at hino-hostage ang kanyang asawa at tatlong menor-de-edad na anak.
Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay napahupa ang tensiyon at inihagis ng suspek ang kanyang itak sa labas ng bahay.
Gayunman, makalipas ng ilang saglit ay bigla na naman umanong nagwala ang suspek at sinaktan ang isa sa kanyang mga anak.
Muling napahinahon ng mga pulis ang suspek at nailigtas ang mag-iina.
Dinala sa presinto ang suspek at lumitaw sa imbestigasyon na nakararanas umano ito ng emotional distress dahil sa pagkamatay ng dalawa nitong anak na lalaki.





Comments