top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Sa laban sa basketball… FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA MGA PINOY, NA-BASH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 27, 2026



BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA MGA PINOY, NA-BASH-FB Circulated

Photo: FB Circulated



Na-bash online si Fyang Smith matapos mapansin ang kanyang reaksiyon habang nanonood ng Star Magic All-Star Games 2026 noong Agosto 23 sa Mall of Asia Arena.


Habang nagpapatuloy ang basketball game ng Team Shooting Stars nina Gerald Anderson at GMMTV ng mga Thai actors, kapansin-pansin ang naging sigaw ni Fyang sa ilang mga fans na nasa paligid niya.


Aniya, “Ang kakapal ng mga mukha n’yo!”


Kaugnay ito ng malakas na pagsigaw at pag-cheer ng mga Pinoy fans sa mga Thai actors na kalaban ng team nina Gerald sa basketball.


Naloka siguro si Fyang dahil mas sinusuportahan at tinitilian ng mga Pinoy fans ang mga Thai actors kesa sa mga kababayan natin. 


Dahil direkta at matapang ang naging pahayag ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate, agad nag-react ang mga fans at pinag-usapan ito ng mga netizens.

Komento ng mga netizens:


“Even as a biro, ‘di n’ya dapat pinapatulan kung sino man ‘yun. It’s just a game. All I can say is ayoko sa kanya. ‘Di nga ako na-impress during her PBB days.”


“‘Pag normal na tao ang gumawa, okay lang pero ‘pag influencer sa ibang app ang makipagbardagulan, nakakatuwa at go lang? Pero ‘pag artista, bakit ‘di puwede? Bakit bawat ikilos, may limitasyon? Tao rin naman sila, ‘di ba? Mas nakakatuwa ‘pag nakikita mismo kung sino talaga sila?”


“Even before, she already had this kind of foul attitude. You can not anymore fix a grown up with upbringing.”


“Ay, grabe si Fyang. Akala mo kung sino, sikat na ‘yan? Ibang artista, ‘di ganyan kung umasta. Kung paano ka magsalita at may paduru-duro ka pang nalalaman. Kung biro man ‘yan o hindi, ‘di maganda. Wala ka pang nararating masyado pero kung umasta ka, feeling mo sa sarili mo, sikat na sikat. 


“Manalamin ka nga, tingnan mo ang sarili mo. Nakakahiya ka! ‘Yung iba na mas sikat pa sa ‘yo, ‘di ganyan umasta, pero ikaw, grabe.”


“May kabardagulan s’ya d’yan sa likod nila, bini-video-han s’ya. Ang saya nila habang nag-aasaran tapos kayo, galit na galit. Naniniwala kayo agad sa spliced video.”


“Parehong side naman may mali, ayaw lang din tanggapin ng kabilang side na may pagkabastos din ang ginawa nila. Wala namang problema ‘yan, mga ‘teh. Kung fan kayo, may kani-kanya tayong idol, okay?


“Una, when the hosts ask to shout for cheer sa Filipino or Star Magic players, konti lang ang nag-cheer, pero nu’ng Thai na, grabe ang sigawan. Sige, nandu’n na tayo sa kayo ang bumili, pero kung sa inyo mangyayari ‘yun, mababastusan din kayo.

“Pangalawa, kapag itinututok sa Star Magic ‘yung camera, nagbu-boo kayo, tapos ‘pag Thai…”


“I am not a fan of hers pero masyado naman kayo ma-issue, samantalang naka-smile s’ya nu’ng nagsabi. I think, kuwela s’yang tao. Masyado naman kayong seryoso sa buhay. I like her, ‘di n’yo lang ma-gets pero she is a cool and real person. ‘Yan ang vibes ko sa kanya.”





Sa b-day ni Samantha… SUNSHINE, CESAR AT MGA ANAK, SAMA-SAMA TOGETHER



IPINASILIP ni Sunshine Cruz ang 22nd birthday celebration ng anak nila ni Cesar Montano na si Samantha.


Kabilang ang aktor sa mga larawang ipinost.

Mensahe ni Sunshine, “Happy 22nd (birthday), Sam! Forever proud to be your mom. We love you so much!” 


Tatlo ang anak nina Sunshine at Cesar na pawang mga babae—sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Naghiwalay sila nu’ng maliliit pa ang kanilang mga anak na naging malaking isyu noon.


Mag-isang itinaguyod ng aktres ang pagpapalaki sa mga bata. 


Well, ang mainam kay Sunshine, never niyang siniraan si Cesar sa kanilang tatlong anak. Kaya nang magkasundo na ang mga ito ay lagi nang welcome ang aktor sa buhay ng mag-iina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page