top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Sumalubong, sumalpok sa trak... 3 Estudyanteng sakay ng motor, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 27, 2026



Motor nabangga ng truck - MhaiJosh Motorparts - CCTV

Photo: MhaiJosh Motorparts - CCTV / Circulated



Dedo ang tatlong estudyante makaraang sumalpok sa kasalubong na oil tanker ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Tiniguiban National Highway, Puerto Princesa City, Palawan nitong madaling-araw ng Agosto 25.


Dead-on-the-spot ang mga sakay ng motorsiklo na kinilala ng mga awtoridad na sina Carl Assie Abajo,  Princess Lara Padon at Dominic Ladica.


Lumitaw sa imbestigasyon na galing sa birthday party ang mga biktima at pauwi na nang mangyari ang trahedya.


Batay sa dash cam ng oil tanker, pinasok ng motorsiklo ang linya ng kasalubong na oil tanker kaya sinalpok ang sasakyan.


Dahil dito, hindi na magsasampa ng reklamo ang pamilya ng mga biktima sa driver ng oil tanker at pinalaya na ito mula sa kustodiya ng  pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page