Nasa loob ng barangay hall... Pulis, tinitingnan ang baril, pumutok, sapul sa noo

ni Mylene Alfonso @News | November 3, 2026

Photo: File
Patay ang isang pulis matapos aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm at tamaan siya ng bala sa noo sa loob ng barangay hall ng Brgy. 509 sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Lester M. Gestopa, 35, residente ng Balut, Tondo, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nangyari ang insidente alas-6:50 ng umaga habang nagsasagawa ng barangay visitation ang biktima kasama ang kanyang mga kapwa pulis.
Ayon sa paunang ulat, inilabas umano ni Gestopa ang kanyang baril upang tingnan ito nang bigla itong pumutok at tumama ang bala sa kanyang noo.
Agad siyang isinugod ni Police Staff Sergeant Arnold Larena Tolentino sa ospital, ngunit hindi na naisalba ang kanyang buhay.





Comments