top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Piyesta ang mga “buwaya” kung walang COA

BULGAR
Aug 20, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 20, 2021


KUNG WALANG COA, TIYAK PALAGING PIYESTA ANG MGA “BUWAYA” SA PANGUNGURAKOT—Inaprub ang daan-daang bilyong pisong hiningi ng Malacañang na pantulong sa mga Pilipino, pampagawa at pagbili ng kagamitan ngayon sa panahon ng COVID-19 pandemic, pero ang masaklap nang mahawakan na ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang pera ng bayan ay ibinulgar ng COA (Commission on Audit) na kaunti lang ang ipinamigay sa mga Pilipino at kaunti lang ang ginasta at ipinambili ng kagamitan sa paglaban sa COVID-19.


Mabuti na lang may COA kasi kung walang COA ay malamang palaging piyesta ang mga “buwaya” sa pangungurakot sa kaban ng bayan, period!


◘◘◘


NABUKING ANG PALUSOT NG MGA “BUWAYA”, ISASAULI NA LANG SA NATIONAL TREASURY PERA NG BAYAN—Ang tanging palusot ng mga opisyal ng pamahalaan na kinukuwestiyon ngayon ng COA kung bakit isinubi lang, hindi naipamigay at nagamit sa takdang panahon ang mga pondo sa kanilang tanggapan ay ayon sa mga “buwaya” ay ibabalik na lang nila sa national treasury ang pera ng bayan.


Mantakin n’yo, hawak na ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pera ng bayan, ipamimigay na lang, gagamitin na lang sa pagpagawa at pagbili ng kagamitan sa laban sa COVID-19, porke nabuking, ang palusot ay isasauli na lang sa national treasury.


Paano kung walang mga state auditors? Aba, malamang, ang pera na ‘yan ng bayan ay nasa bulsa na ng mga buwaya sa pamahalaan, mga pwe!


◘◘◘


PERA NG BAYAN, ISINUSUBI AT KAPAG GINASTOS NAMAN AT MAY BINILI AY OVERPRICE ANG MGA BINIBILI—Hindi lang ang pera ng bayan na hindi ipinamigay sa mga Pilipino at hindi ginastos sa pagpagawa at pagbili ng kagamitang panlaban sa COVID-19 ang kinukuwestiyon ng COA, kundi pati ang overprice sa binibiling kagamitanm tulad nang pagbili ng DBM (Department of Budget and Management) ng bultu-bultong facemask at face shield, na ang ipinresyo sa pagkakabili nila ng kada piraso ng facemask ay P27 gayung P3 lang presyo nito sa merkado at face shield na prinesyuhan ng P120, gayung P10 lang halaga nito.


Grabeng korupsiyon ‘to kasi mantakin n’yo, isinusubi ang pera ng bayan, hindi ipinamimigay at ginagasta para sa kapakanan ng mga Pilipino, tapos kapag gumasta naman at may binili, sagad ang overprice, mga buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page