Piyansa, malabo pa rin… VHONG, BABU SA NBI, PINALILIPAT NA SA TAGUIG CITY JAIL
- BULGAR
- Nov 17, 2022
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 17, 2022

Top trending agad si Kim Chiu sa Twitter pagkatapos ng kanyang performance sa Magpasikat 2022 para sa 13th anniversary ng It’s Showtime kahapon.
Ka-team ni Kim sina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta para sa taunang Magpasikat competition ng mga hosts sa It’s Showtime.
In fairness, kahanga-hanga talaga ang energy at performance ni Kim sa kanilang production number. Mula opening, pagsabit-sabit hanggang sa pagda-drums with matching paulan on stage, maganda ang execution at consistent ang energy ni Kim.
“ROCKPASIKAT WITH TEAM JUGS, TEDDY & KIM!!! ANG SOLIIID, GRABE!!!”
“Always proud of you, Kim Chiu. You always give your ALL in every performances that you do!
You deserve all the GOOD COMMENTS of the judges.”
“Basta Kim Chiu, automatic ALL-OUT ang performance.”
“Kim Chiu killing it in the drums with OPM rockstars Jugs and Teddy? You go girl!”
Star-studded din ang ‘rockpasikat’ ng team nina Kim, Jugs and Teddy. Ang daming mga sikat na rap at rock/band artists ang napanood na nag-perform with Jugs, Teddy and Kim.
After their performance, ini-reveal ni Kim na original song pala ang ginamit nila na may pamagat na Laban.

Si Teddy mismo ang nagsulat ng Laban kung saan ini-reveal niya na para raw sa isang malapit na kaibigan niya na may matinding pinagdaraanan ngayon ang kantang nilikha niya.
Hindi naman napigilan ni Teddy ang maiyak habang nakatalikod sa madlang pipol nu’ng maalala ang tinutukoy niyang kaibigan.
Gets agad ng ibang It’s Showtime hosts kung sino ang tinutukoy ni Teddy kaya pati sina Anne Curtis, Karylle at Amy Perez ay naiyak na rin.
Without mentioning his name, knows ng madlang pipol na si Vhong Navarro ang tinutukoy ni Teddy na pinag-alayan niya ng kantang Laban.
Sa true lang, ‘di maiwasang maging sentimental ang mga hosts ng It’s Showtime pagdating kay Vhong na 13 years din nilang nakasama sa Kapamilya noontime show.
At kung ‘di kami nagkakamali, this is the first time na hindi nakasama si Vhong na mag-perform sa Magpasikat with his co-hosts sa It’s Showtime.
Nagpahayag din ng lungkot ang ilang netizens sa absence ni Vhong sa Magpasikat 2022.
“This is really sad. Anniv pa naman ng Showtime.”
“Oo nga, eh. All throughout the pandemic, siya lang ang madalas 'and'yan. Tapos ngayong Magpasikat, wala siya.”
“Ayaw nga sana nila (It’s Showtime) ituloy, eh.”
But the show must go on, kasabihan nga sa showbiz.
May dalawang grupo pa ng It's Showtime hosts ang magpapasikat sa Treselebrasyon ng Kapamilya noontime show ngayong Huwebes at bukas (Biyernes).
Sina Vice Ganda at Amy Perez ang magka-team na magpe-perform sa Magpasikat today at sina Ogie Alcasid and Karylle sa Friday.
Sina Anne Curtis, Ion Perez at Jackie ang unang nag-perform sa Magpasikat, sumunod sina Jhong Hilario at Ryan Bang last Tuesday.
Speaking of Vhong Navarro, may balitang ililipat na ang comedian-host sa Taguig City Jail para sa kasong kinakaharap niya batay sa inilabas na order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.
As of this writing, nasa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility si Vhong.
May mga dokumento pa raw kasi na kailangang ayusin ang NBI sa paglipat ni Vhong sa Taguig City Jail. Then, mag-a-undergo pa raw si Vhong sa health protocol requirements.
Tanong naman ng mga netizens, kung may resolusyon na raw ba ang naganap na hearing para sa petisyon ni Vhong na makapagpiyansa. Maraming fans and supporters ni Vhong ang nagdarasal para sa kaligtasan at katatagan ng kanyang loob.
For sure, dasal din ng pamilya ni Vhong ay makauwi at magkasama-sama sila ngayong Pasko.
At gaya ng sabi nga sa mensahe ng kantang ginawa ni Teddy, ang Laban, ‘wag susuko, laban lang at higit sa lahat ay kumapit lang sa Panginoon.





Comments