Pista ng Nazareno, 'di raw nagulo sa shooting nila…"MAY MGA PERMIT KAMI" — COCO
ni Julie Bonifacio @Winner | January 26, 2023

Sinagot ni Coco Martin ang tanong sa naging reaksiyon sa social media tungkol sa pagsu-shoot nila sa Kapistahan ng Nazareno para sa bago niyang serye, ang Batang Quiapo.
May mga na-offend daw kasi na mga deboto ng Nazareno sa Quiapo sa pagsu-shoot nila roon.
“Actually, sa pagkakaalala ko, maayos naming nai-shoot ‘yun kasi may mga pulis kami, may mga permit kami. Hindi ka puwedeng mag-shoot doon dahil magkakagulo. Pero kung meron mang mga tao, hindi ko alam, ha, kung tama man kayo, kung meron mang naapektuhan, kasi maayos talaga namin siyang nai-shoot, eh,” paglilinaw ni Coco.
Dugtong pa niya, “Actually, nu’ng isinu-shoot namin siya, ang kinukunan namin, ‘yung live, tapos ima-mock mo ‘yun, eh. Uulitin n'yo ulit ‘yung buong live. Kaya walang gulong nangyari.”
Nandoon daw sila talaga para na rin maki-celebrate sa Kapistahan ng Nazareno. Deboto raw kasi ng Nazareno sa Quiapo ang lola ni Coco.
“Kasabay namin ‘yung buong live, tapos ima-mock mo ulit ‘yun. Kasi siyempre, kailangan pareho, eh. Ire-research mo ‘yun. Pero alam kasi namin na may posibilidad na baka kapag ginawa namin ‘yun, baka may masaktan, magkagulo,” lahad ni Coco.
Nakausap namin si Coco sa ginanap na appreciation lunch para sa media ng bago niyang endorsement, ang RiteMed.
Doon ay natanong si Coco kung makakasama ba sa cast ng Batang Quiapo ang original leading lady ng Hari ng Aksiyon na si Fernando Poe, Jr. sa original movie version nito na si Maricel Soriano.
“Si Ate Mary (pet name ni Maricel sa mga kaibigan niya sa showbiz) po kasi ngayon, may ginagawa siya, ‘yung Linlang. Pero sabi ko nga po, sa haba ng puwedeng takbuhin ng show, hindi ko pa po masasabi,” sabi ni Coco.
Samantala, binigyang-diin ni Coco ang naiwan na legacy ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at kung paano siya naging boses ng bawat Pilipino, lalo na pagdating sa abot-kayang pangangalaga sa kalusugan.
“Sobrang laki po ng naging impact,” diin ni Coco. “Alam naman po natin na mahirap ang buhay, lagi tayong nag-iisip kung paano makakamenos at paano pa rin natin maitatawid ‘yung pangangailangan lalo na sa kalusugan. Kasi si Tita Susan, silang mag-asawa ni FPJ, parang sila ‘yung simbolo ng bawat Pilipino, eh. Na kapag may sinabi sila o may ginawa, lahat nakikinig. Napakalaking impluwensiya nila sa mga Pilipino kaya ingat na ingat si Tita Susan talaga sa mga paggawa niya ng mga proyekto at kung anuman ang mga ineendorso niya, lalo na po itong RiteMed,” pahayag ni Coco.
Ayon naman kay Atty. Jose Maria Ochave, president ng RiteMed, 11 years naging endorser si Susan ng RiteMed at “It was one of the best decisions,” na ginawa nila.
“Hindi lang siya (Susan) naging mukha at boses kung hindi co-creator pa ng aming brand.
‘Yung lighter tone ng ‘Huwag Mahihiyang Magtanong’ ay kanyang ideya. At ito na nga ang naging adbokasiya ng RiteMed simula noon,” pagbabalik-tanaw ni Atty. Ochave.





Comments