top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Piso kontra dolyar, naghihingalo na

BULGAR
Jul 18, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 18, 2021


Dalawa na ang namamatay sa Delta variant.


‘Yan na mismo!


◘◘◘


NAGHIHINGALO na ang piso kontra dolyar.


Isa pang krisis!


◘◘◘


NAGDATINGAN na ang sangrekwang COVID vaccine.


Kapag nasira ang electrical wiring sa bodega, tunaw lahat ‘yan!


◘◘◘


DAPAT may naka-standby na generator sa vaccine warehouse at may kani-kanyang breaker ang kada bloke.


May nakabantay ding team of master electrician.


Gamitin natin ang utak!


◘◘◘


BAWAL ang miron sa Tokyo Olympics.


Pang-Guinness book of world records!


◘◘◘


BAKIT kaya nang-aagaw ng partido ang grupo ni Mayor Sara?


Akala ko ba ay No. 1 siya?


◘◘◘


ANG tunay na malakas na kandidato ay hindi dapat nang-aagaw ng partido.


Dapat siya ang nilalapitan ng partido!


◘◘◘


NGAYON lang tayo nakakita na llamado sa eleksiyon pero naghaharbat ng kabilang grupo.


Hindi natin maespeling ang mga ‘yan!


◘◘◘


DAPAT nating maunawaan na habang inaapi ang kandidato, lalong nakahihigop siya ng boto.


Pabor ang sitwasyon sa anak ni Nanay Dionesia!


◘◘◘


PAANO kaya kung yakapin ng Liberal Party si Sen. Manny Pacquiao nang pikit-mata?


Magkakaroon siya ng higit na malakas na partido kumpara sa PDP-Laban!


◘◘◘


PAPER-PARTY ang PDP-Laban.


Pero ang LP ay kompletos recados!


◘◘◘


PINAKAMALAKAS na partido pa rin ang LP.


May unlimited resources sila mula sa sekretong financers.

May istruktura sila at organisasyon sa 16 na rehiyon.


May pinakamaganda silang track records sa eleksiyon!


◘◘◘


KAPAG inialok kay Pacquiao ang pagiging standard bearer ng LP, napakalaking buwenas niya.


May sobra-sobrang awareness si Pacquiao.


May organisasyon, may badyet.


At kuha niya ang simpatiya at emosyon ng mga botante!


◘◘◘


HINDI pinag-uusapan ang kuwalipikasyon sa eleksiyon.


Kung totoo ‘yan, dapat naging pangulo sina Claro M. Recto, Arturo Tolentino, Jovito Salonga at Gibo Tedoro!


◘◘◘


MALINAW ang kuwalipikasyon sa pagkandidato batay mismo sa Konstitusyon.

Una, lehitimong botante.


Ikalawa, marunong bumasa.


Ikatlo, marunong sumulat.


Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page