top of page
Search
  • BULGAR

Pirates, champion sa ML Bang Bang Varsity Cup

ni Gerard Arce - @Sports | November 22, 2021




Itinanghal na kauna-unahang kampeon ang Lyceum of the Philippine University Pirates ng Collegiate Center for Esports (CCE) Mobile Legends: Bang Bang 5-on-5 Varsity Cup matapos ang gitgitang 4-2 victory kontra sa Mapua University Cardinals para sa ‘Battle of Intramuros” sa best-of-seven final series.


Pinangunahan ni competition MVP Yancy Remulla ang grupo ng mga Pirata para patumbahin ang Cardinals para sa bakbakan ng magkakapitbahay mula Muralla, Intramuros.


Sumandal ang LPU Pirates sa nakuhang malaking upset sa paboritong Letran Knights nitong nagdaang Biyernes, para masungkit ang importanteng panalo sa Game 4 upang iukit ang 3-1 na bentahe sa serye kasunod ng magandang ipinakitang laro ni Remulla gamit ang karakter na si Yi Sun-Shin kaantabay si Shawn Umali gamit naman si Bane.


Gumamit ng malupit na diskarte ang LPU Pirates ng agawin ang Lord sa 23-minute mark ng Game 4 upang iwang nakanganga ang Mapua sa pamumuno ng delikadong ultimate attack ni Bane para sa biglaang double kill sa gamit ni Jomer Mercado na Roger at Atlas ni Adrian, kung kaya’t nakakuha ng pagkakataon ang Pirates na sugurin ang mid-lane sa suporta nina Alvin Baetiong’s Thamuz, Lorenzo Navarro’s Kadita at Carlo Abadeza’s Khufra.


Tinangka pa ng Cardinals na pahabain pa ang serye ng kunin ang Game 5 mula sa magandang laro ni Warren Bonifacio gamit si Kaja (6-0-16 KDA), ngunit muli ay hindi naawat si Remulla gamit si Yi Sun-Shin (6-1-6 KDA) sa 17 minutes na laro kahit pa man dehado sila sa 14-17 sa kills na naging maganda naman ang suportang nakuha kina Abadeza’s Khufra, Navarro’s Pharsa, Baetiong’s Khaleed at Umali’s Chou. “Masaya kami at thankful kay Lord na nabigyan ng ganitong opportunity sa gitna ng pandemic tapos ito, nag-champion pa kami,” pahayag ni Remulla.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page