top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PIOLO AT KYLE, PAREHONG HUBAD SA PHOTO, PINAGPIYESTAHAN NG FANS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2024
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 20, 2024




Jusko, year 2024 na, gender pa rin ang issue ng ilang netizens kay piolo pascual?!!!

 

nakakalokah naman na binibigyan na naman ng malisya ng ilang marites online ang ipinost ni mylene dizon na video nina papa p at kyle echarri kung saan makikitang pareho silang topless at may patikim sa kanilang pandesal a.k.a. abs!

 

pinagpiyestahan talaga ng mga hindi busy sa kani-kanilang buhay ang naturang video para mag-isip ng kung anu-ano at mag-comment ng mga pinaglumaan na ng panahon na espekulasyon sa gender ni papa p.

 

for sure, dedmabels na lang si piolo sa mga ganitong kababawang issue na waste of time lang lalo't napaka-busy niya ngayon at nagbabalik-serye na siya via pamilya sagrado

 

isa pa, hindi na kailangang magsalita ni piolo dahil ang mga fans na niya ang sumasagot sa mga marites at nagpapaliwanag na kaibigan ng anak niyang si iñigo pascual si kyle,bukod sa magkatrabaho nga sila sa pamilya sagrado kaya lagi silang nagkakasama ngayon.

 

'yun na 'yun!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page