top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

PIOLO AT JOHN LLOYD, LAOS NA, ALDEN AT DANIEL, PALIT SA TRONO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 21, 2023




May ilang grupo ng showbiz observers ang nag-try magpa-survey kung sinu-sinong aktor ang masasabing sikat at pagkakaguluhan kapag pinagsama-sama sa iisang event.


Sino nga kayang aktor ang dudumugin ng mga fans — si Coco Martin, John Lloyd Cruz o si Piolo Pascual?!


Kaya ba nilang higitan ang popularidad nina Alden Richards at Daniel Padilla?


May mga nagsasabing dapat nang kumilos sina Piolo at John Lloyd kung ayaw nilang matabunan sila nang husto ni Coco.


Samantala, sina Alden at Daniel ay iniidolo pa rin ng maraming kabataan. Mainit pa rin ang kanilang career at patuloy pa rin silang kinukuha upang mag-endorse ng mga malalaking produkto.


Ang mga dating endorsements nina Piolo at John Lloyd ay napunta na kina Alden at Daniel. Pero ang pinaka-in demand ngayon ay si Coco.


Nang gawin nito ang TV adaptation ng Ang Probinsiyano, na dating pelikula ni FPJ o Fernando Poe, Jr. ay nakuha niya ang atensiyon ng libu-libong tagahanga ni “Da King” kaya tumagal ito sa ere sa loob ng pitong taon.


Ngayon, ang Batang Quiapo naman (movie rin ni FPJ) ang muling isinasabuhay ni Coco sa TV adaptation at patuloy pa ring tinatangkilik ng mga televiewers.


Samantala, sina Piolo at John Lloyd ay wala nang mga regular TV shows ngayon.


Kailangang napapanood pa rin sila ngayon upang mapanatili ang kanilang popularidad.


Malaking factor ito upang kunin silang mga endorsers ng mga produkto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page