top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Pinuntahan pa sa bahay… CRISTINE, TODO-HABOL KAY ATTY. GIO NOON, ILANG BESES TINANGGIHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 48 minutes ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 31, 2026



TEKA NGA - CRISTINE, TODO-HABOL KAY ATTY. GIO NOON, ILANG BESES TINANGGIHAN_FB Cristine Reyes

Photo: FB Cristine Reyes



Kakaiba at kuwela ang love story ng aktres na si Cristine Reyes at ng kanyang childhood sweetheart na si Atty. Gio Tiongson. 


Matagal na silang magkakilala at naging malapit sa isa’t isa, ngunit hindi nila inakala na hahantong sila sa isang seryosong relasyon.


Ayon kay Cristine sa isang interview, ilang beses siyang ni-reject ni Gio noong nagpaparamdam na siya ng kanyang nararamdaman. 


Umabot pa sa puntong pinuntahan niya ito sa kanilang bahay dahil iniiwasan na siya nito.


Paliwanag naman ni Gio, hindi pa siya handang pumasok noon sa seryosong relasyon dahil nag-aaral pa siya ng Law at nais muna niyang magkaroon ng sariling tagumpay sa buhay. 


Si Cristine kasi ay isa nang sikat na artista that time na may sariling bahay at maayos na karera.


Gayunman, sadyang tila nakatadhana sila para sa isa’t isa. Muli silang pinagtagpo nang maging ganap nang abogado si Gio at saka nagsimulang umusbong ang kanilang relasyon.


Botong-boto ang pamilya at mga kaibigan ni Cristine kay Atty. Gio. Madalas pa nga umano nilang paalalahanan ang aktres na alagaan at pahalagahan ang kanilang relasyon.


Mukhang natagpuan na nga ni Cristine Reyes ang kanyang forever love. Kitang-kita sa kanyang aura na masaya siya sa piling ni Gio Tiongson.


At kahit magkaiba sila ng pananaw sa pulitika, hindi nila ito pinagtatalunan at sa halip ay inirerespeto ang opinyon ng isa’t isa.





Babu muna sa It’s Showtime…

KIM AT PAULO, MAGSASAMA SA SOUTH KOREA



PANSAMANTALANG mawawala sa It’s Showtime (IS) si Kim Chiu upang mag-shoot ng bagong serye sa South Korea kasama si Paulo Avelino.


Isang buwan silang mamamalagi roon para sa kanilang proyekto na Kopino, na umiikot sa buhay ng mga Pilipinong may dugong Koreano. 


Karamihan sa mga eksena ay kukunan sa South Korea.


Nalungkot man ang ilang fans dahil matatagalan bago nila muling mapanood si Kim sa noontime show, natutuwa naman sila dahil may bago siyang serye kasama si Paulo.


Patuloy ding lumalakas ang suporta sa tambalang KimPau. Tanggap na rin ng maraming tagahanga ni Kim Chiu si Paulo Avelino dahil nakikita nilang masaya ang Chinita Princess. 


Deserve naman talaga nito na magkaroon ng masayang love life.





NAGING emosyonal si Ice Seguerra nang matanggap niya mula sa production staff ng Eat… Bulaga! (EB!) ang kanyang ID bilang direktor ng longest-running noontime show sa bansa.


Mixed emotions ang kanyang naramdaman sa unang araw ng pagsabak bilang direktor ng programa. 


Aniya, parang muli siyang nakabalik sa tahanan at pamilyang matagal niyang nakasama.

Naalala rin ni Ice ang kanyang yumaong inang si Mommy Caring. Kuwento niya, noong naging bahagi siya ng EB! matapos sumali sa Little Miss Philippines, pangarap ng kanyang ina na balang-araw ay maging direktor siya ng naturang programa.


Ngayon ay natupad na ang pangarap na iyon. Tiyak na masaya si Mommy Caring saanman siya naroroon.


Ang bongga pa, ‘Direk Ice’ na ngayon ang tawag ng mga Dabarkads sa dating Little Miss Philippines winner.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page