Pinuntahan pa raw sa Tate… CATHOLIC AT INC LEADERS, JOINT FORCES NA PARA MAPAGALING SI KRIS
- BULGAR
- Nov 26, 2022
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 26, 2022

Tulad ng kanyang pangako, nag-post na muli si Kris Aquino sa kanyang Instagram ng latest development on her journey sa kanyang medical treatment sa ibang bansa.
Kahapon ay isang mahabang mensahe ang inilagay ni Kris sa caption ng IG post niya na piktyur ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.
“It's been a few months... I didn't want to post until I had definite info as my update. 1st THANK YOU for praying for me, for us,” panimula ni Kris.
Pinasalamatan ni Kris ang mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang religious groups na maigting na nananalangin at patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.
Kabilang dito ang taga-Iglesia ni Cristo at si Minister Joji na nagpunta pa raw sa US para i-anoint siya ng healing oil, ang Carmelite sisters in Quezon na araw-araw daw siyang ipinagdarasal at si Archbishop Socrates Villegas.
Pagkatapos ay nagbigay na ng update si Kris sa kanyang medical diagnosis.
“It's step 1 on what will likely be more than 18 months of diagnosis & treatment. I'm signed up in a hospital's Center for those with Rare & Undiagnosed illnesses. My last set of test results were conflicting; that's why I chose to have my full diagnosis & treatment with a team of multidisciplinary doctors.
“Iba ang process dito. My 1st step was submitting all my medical records from 2018 when my autoimmune was 1st diagnosed in Singapore; I had a teleconsult w/ the assigned doctor-coordinator for me, then we'll do a video consult in 2 weeks. I'll be admitted early 2023 to undergo every imaginable test they'll deem necessary.
“After my results, the team shall decide what treatment will be best because the coordinator admitted I'm a "challenge" since I'm allergic to so many types of medicine including all steroids.
Pang-case study daw ako- 1 person with multiple autoimmune conditions & over 100 known allergic or adverse reactions to medication.
“We already filed our papers with US Immigration to extend our stay. Bawal umalis ng until the extension is granted. We miss our family & so many of you.”
In-explain din ni Kris kung bakit niya ipinost ang piktyur nina Josh and Bimby sa kanyang Instagram account.
“I posted a picture of Kuya & Bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis 'yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; 'yung sobrang pag-iingat (I'm so immuno-compromised- since June I've NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall).
“I pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God's perfect time…
Happy Thanksgiving,” pagtatapos ng mensahe ni Kris.
Agad namang dinagsa ng pagbati at pangungumusta ang IG post ni Kris from her celebrity friends and supporters.
Mabuti na lang at nakapag-post na si Kris and share her current medical condition. Just a day before mag-post si Kris ay may nagtatanong kasi sa amin to check if true na namatay na si Kris.
Sinikreto pa raw na ihatid ang bangkay ni Kris sa 'Pinas galing sa Singapore.
'Kalokah talaga ang mga gumagawa ng ganitong fake news para kumita lang ng pera sa social media.
Ilang beses na nilang “pinatay” sa socmed si Kris, ha? Pero sana nga, true ang tsika na kapag nababalitang namamatay ang isang celebrity, humahaba ang buhay.
Comments