top of page

GF mo, Khalil, palaban… GABBI, GAME SA GIRL’S LOVE PROJECT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 24, 20255



Photo: Gabbi Garcia - IG


Muling pinapirma ng kontrata ng GMA Network si Gabbi Garcia. Sa loob ng ilang taon ng pamamalagi niya sa GMA-7 ay kinakitaan ng malaking potensiyal si Gabbi. 


Bukod sa acting, kaya rin ni Gabbi na mag-host ng shows. Hindi rin siya na-typecast sa iisang klase ng pagganap. Kahit na anong role ang ibigay sa kanya ay sinisikap niyang gampanan nang mahusay. 


Gusto rin daw subukan ni Gabbi na gumawa ng GL (girls’ love) serye. Malaking serye ito na magiging challenge sa kakayahan niya. 


Hindi magiging hadlang kay Gabbi ang pagkakaroon ng love life. Walang kompetisyon sa kanila ng nobyong si Khalil Ramos. Nagkakatulungan sila pagdating sa kanilang career.



Nang dahil sa kanyang paghanga sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, agad na pumayag si RS Francisco ng Frontrow upang i-produce ang pelikulang Faney bilang tribute sa kaarawan ng National Artist na si Nora Aunor. 


Nagkaroon ng special red carpet screening ng Faney sa Gateway Cinema 11 noong mismong kaarawan ni Ate Guy last May 21. Bukod kay RS Francisco, co-producer din ng Faney ang Estele Builders ni Cecille Bravo at ang AQ Prime. 


Isa sa mga ikinatuwa ni RS Francisco ay nakatrabaho niya si Nora Aunor sa pelikulang Ligalig, na ginawa ng Superstar bago nagkasakit at pumanaw. 

Inaayos na ngayon ang lahat upang maipalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Ligalig.


Samantala, pinuri naman ni Direk Gina Alajar ang Kapuso young star na si Althea Ablan na nakasama niya sa Faney


Nagkatrabaho na sina Gina at Althea sa seryeng Prima Donnas (PD) na tumagal ng 2 taon sa ere. Fourteen years old lang noon si Althea, pero kinakitaan na ni Direk Gina ng husay sa pag-arte. 


Nagpasalamat naman si Althea kay Direk Gina Alajar dahil tinulungan siya sa tamang acting.


Dumanas din ng matinding depresyon… KYLIE, NAKA-RELATE SA INANG SINUNOG ANG 3 ANAK


LABIS na ikinalungkot ni Kylie Padilla ang balita tungkol sa isang mom na nagpakamatay matapos sunugin ang tatlo niyang anak na menor-de-edad. 

Dumaranas ng matinding depression ang nasabing young mom dahil sa problema sa kanyang pamilya. 


Naka-relate si Kylie sa pinagdaanan ng nasabing ina dahil naranasan din niya noon ang postpartum depression. 


Mahirap ipaliwanag ang ganitong sitwasyon. Kaya naman, gustong iparating ni Kylie sa mga single moms na manatiling matatag kapag may mga pagsubok na pinagdaraanan.


Dapat ay humingi ng tulong sa kanilang mga kaanak at kaibigan. Kailangan ding magkaroon ng support group. 


Ang depression at anxiety ay isang seryosong problema na related sa mental health. Dapat itong bigyan ng pansin bago mauwi sa worst-case scenario.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page