top of page

Matagal nang gustong mag-resign, naunahan lang… ARNELL, ALAM NA KUNG SINO ANG NANG-AHAS SA KANYA SA OWWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 24, 2025



Photo: Arnell Ignacio - OWWA Overseas Workers Welfare Administration


Pagkatapos masibak sa puwesto ng dating OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) administrator na si Arnell Ignacio, may mga susunod pa na sisibakin sa cabinet ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..


Nu’ng Huwebes ay tinanggal na rin sa puwesto si OWWA Deputy Director Emma Sinclair. Sabit din daw siya sa allegedly unauthorized P1.4 billion land acquisition deal.


Paulit-ulit na sinasabi ng spokesperson ng Malacañang na hindi nag-resign si Arnell, kundi inalis talaga siya sa puwesto dahil sa diumano’y anomalyang nabanggit sa itaas.


Sa true lang, early this year nu’ng makatsikahan namin si former OWWA Administrator Arnell, nababanggit na niya sa amin ang nais niya na mag-resign na sa kanyang posisyon sa gobyerno.


Ramdam na niya ang sobrang pressure na ibinabato sa kanya sa kanyang government post, na ang simple-simple lang naman daw ng solusyon kung siya ang masusunod.

Dito ay itsinika pa niya sa amin na malaking bagay ang natutunan niya sa showbiz na nai-apply niya sa kanyang trabaho sa gobyerno. At maraming practices daw sa showbiz ang puwedeng magpagaan sa sistema sa gobyerno.


So when we heard the news na sibak na si Arnell sa puwesto, eto na nga. Dito naalala namin ang speech ng yumaong mahusay na direktor na si Danny Zialcita during the last award he attended many years ago, “Ito na ang bukas na kinatatakutan ko kahapon.”


Ang nakakalurky pa na tsikang nakarating sa amin from a source ay kung sino ang isa sa mga naglaglag kay Arnell sa OWWA. 


Sobrang disappointed and unexpected daw ni Arnell ang natuklasan niya kung sino ang “nang-ahas” sa kanya sa OWWA. At ang taong ito raw ay napakalapit sa kanya sa OWWA office.


Well again, sabi nga nila, walang pinipili ang mga ahas sa mundo. Manunuklaw at manunuklaw ‘yan kapag gutom. 

Gutom ba siya sa puwesto? 

Alamin…



WAITING naman kami kung kailan mapapanood ang kilalang social media influencer na si Zeinab Harake na pinasok na rin ang show business.


Bago nakilalang influencer sa socmed si Zeinab ay popular na rin siya bilang majorette sa Bacoor City, Cavite.

Two years ago, muling binalikan ni Zeinab ang pagiging majorette sa Bacoor.


Pinangunahan niya ang El Gobernador Band as a majorette.

This year, ang El Gobernador Band ay kakatawan sa Lungsod ng Bacoor, Cavite sa 127th Philippine Independence Day Parade sa New York.


Kaya ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na i-announce na ang El Gobernador Band, isang kilalang marching band mula sa Bacoor, Cavite, ay mapabilang sa 127th Philippine Independence Day Parade sa New York sa ika-1 ng Hunyo.


Ang prestihiyosong okasyon na ito ay pagdiriwang ng mayamang kasaysayan at kultura ng Pilipinas, at ang El Gobernador Band ay pinarangalan na kumatawan sa kanilang lungsod at bansa.


Sa isang legacy na nagsimula noong 1806, ang tradisyon ng marching band ng Bacoor ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng bansa.


Ngayon, ang Bacoor ay tahanan ng 21 aktibong marching band, na nagpapatibay sa reputasyon nito bilang ‘Marching Band Capital of the Philippines.’ 

Ang pagtatanghal ng El Gobernador Band ay inaasahang magpapakita ng kanilang talento sa musika at magdadala ng karangalan sa Pilipinas.


Ayon kay Bacoor City Mayor Strike B. Revilla, “Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na maging bahagi ng mahalagang pagdiriwang na ito, at isa sa aming mga pangunahing programa ay ang pagsuporta at paglinang sa aming mga marching band, na naging bahagi ng aming kultura at identidad bilang lungsod. Ipinagmamalaki naming makita ang El Gobernador Band na kumakatawan sa Bacoor at sa Pilipinas sa entablado ng mundo.”


Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay nakatuon sa pagtataguyod ng mayamang pamana ng kultura ng lungsod at pagsuporta sa paglinang ng mga may talento tulad nga ng marching band.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page