Pinsan, ikakampanya raw… KRIS, BALIK-'PINAS SA SEPTEMBER PARA KAY BAM AQUINO
- BULGAR
- Jul 21, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| July 21, 2024

Pagbubulgar ng anak ni Kris Aquino na si Bimby ay uuwi na ang kanyang ina rito sa ‘Pinas sa September for good.
Sa article na lumabas sa Philippine Star, sa ginanap na 50th birthday celebration ni Biñan Rep. Len Alonte-Naguiat ay masayang ibinalita ni Bimby ang pagbabalik-'Pinas ni Kris.
“At the 50th celebration of Biñan Rep. Len Alonte-Naguiat last Monday in Shangri-La at The Fort, Bimby was his usual jolly self, telling friends that finally, after two years of his mother being treated for her complex auto-immune diseases in the US, Kris is finally coming home for good.”
Maraming natuwa at nasabik na muling makita ang Queen of All Media.
Ito ang reaksiyon ng mga netizens:
“Feel ko mas gagaling s’ya kapag surrounded s’ya ng mga taong nagmamahal sa kanya. Kahit ano'ng tago at pagpapagaling mo, ang love and time talaga, nakaka-heal.”
“True! For me, ‘yung love from family will give her more drive to fight!”
“Sana, maka-recover s’ya.”
“Happy na she got better but I really think it’s best for her health to stay there. Sa klima and everything else, her doctors are there too.”
“For me naman, being surrounded with family and friends is better, wala pong gamot sa sakit n’ya.”
“Wala po talagang gamot sa sakit n’ya, s’ya mismo ang may sabi n’yan. Mas okey sa ‘Pinas na s’ya, para always s’ya with Josh and her sisters.”
“Kahit may sakit si Kris at nasa ibang bansa, tuluy-tuloy pa rin ang pag-donate n’ya sa mga charities dito sa ‘Pinas. Si Lolit Solis nga ay binigyan n’ya ng 2 million pesos na pampagamot.”
“That’s great news, sana tuluy-tuloy na recovery without relapsing.”
“Kasi naman may naunang pa-visit sa Florida, tapos ngayon, ‘yung December na uwi, naging September kaya ang likut-likot ng imahinasyon ko ngayon sa napaagang pag-uwi n’ya, ahead sa month ng filing of candidacy, charot! But knowing Tetay, baka dahil ito sa bagong love life na Pinoy doctor na naka-base sa Manila. Why not? Hehe! Congrats, Krissy! Get well soon!”
“Korek ka d’yan, for Bam Aquino’s (Kris' cousin) candidacy!”
“‘Wag na nating bigyan ng malisya. Can’t we just be happy for her? Uuwi na s’ya after being away for a while. Gusto din n’ya makasama regularly ‘yung mga mahal n’ya sa buhay, ‘wag na nating isiksik ang pulitika. It’s not fair, let her be happy and enjoy time with the people she treasures. ‘Wag na nating i-stress-in.”
Comments