top of page

Pinoy, tiis-tiis sa taas ng langis... Tipid-tipid lang muna — PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | March 23, 2026



Pangulong Bongbong Marcos - FB

Photo: Pangulong Bongbong Marcos - FB



Nanawagan ng pagkakaisa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at hinihikayat ang mga Pilipino na pairalin ang diwa ng bayanihan habang ipinatutupad ng pamahalaan ang mga hakbang upang maibsan ang pasanin ng mga komyuter at iba pang apektadong sektor sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.


“Ngayon ang panahon para maipakita natin sa buong mundo ang katangian ng bayanihan na nasa puso ng bawat Pilipino,” pahayag ng Pangulo sa BBMVLOG 278, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.


Hinimok din ng Pangulo ang publiko na maging responsable, lalo na sa pagbabahagi ng impormasyon.


“Bawat isa sa atin ay may magagawa namang paraan para makatulong, pagtitipid man, pagtulong sa kapwa, o kahit sa pamamahagi ng tamang impormasyon   at hindi pagkakalat ng fake news. Huwag naman sana tayong magdagdag pa sa problema,” diin ni Marcos.


Nakikipag-usap din umano ang pamahalaan sa iba’t ibang bansa tulad ng India, Japan, at South Korea upang matiyak ang suplay ng langis sa gitna ng global tightening.


Kasabay nito, tiniyak din ng Pangulo ang patuloy na pagtulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng kaguluhan. Mahigit 1,400 OFWs at higit 300 dependents na ang nakauwi sa bansa mula noong unang bahagi ng Marso, at inaasahan pa ang karagdagang repatriation flights sa mga susunod na araw.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page