top of page

Pinoy singer, talunan sa Idol Phils… MATTY J., NAKA-GOLDEN BUZZER SA BRITAIN’S GOT TALENT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 31, 2026



Matty J sa BGT

Photo: BGT / SS



Isa na namang Pinoy ang tinututukan ngayon ng ating mga kababayan at inaasahang magdadala ng mas malaki pang karangalan sa bansa matapos makapasok sa Britain’s Got Talent at makakuha ng golden buzzer mula sa judge na si Simon Cowell.


Ang 27-year-old na si Matty Juniosa a.k.a. Matty J. ay biglang nag-viral sa social media dahil sa kanyang performance sa BGT ng kanta ni Prince na Purple Rain


Pinahanga ni Matty J. ang mga judges na sina Simon Cowell, Amanda Holden, Alesha Dixon at KSI sa kanyang full energy at all-out performance. At maging ang audience ng BGT, amazed na amazed sa powerful voice ni Matty J. kaya sila talaga ang sumigaw na bigyan na ito ng golden buzzer ni Simon Cowell.


Naging emosyonal si Matty J. nang matanggap ang golden buzzer dahil ibig sabihin ay automatic na siyang pasok sa semi-finals round ng BGT.


Para sa mga hindi masyadong familiar sa Pinoy singer, unang nag-audition si Matty J. nu’ng bata pa siya sa The Voice Phils. Season 2 pero hindi siya pinalad na makapasok.

Hindi siya nasiraan ng loob, muli siyang sumali sa Idol Philippines Season 1 nu’ng 20 years old na siya kung saan bumirit naman siya ng Natural Woman ni Aretha Franklin.


Pinabilib din niya ang mga judges ng Idol Phils. na sina Vice Ganda, Moira, James Reid at Asia’s Songbird Regine Velasquez na nag-standing ovation pa sa kanyang performance.


Pero dahil mahina siya sa text votes, maagang na-eliminate si Matty J.. Binigyan naman siya ng encouraging words ni Regine that time na “It’s just the beginning”.


True enough, nang hindi manalo sa Idol Phils., binuo sila ng ABS-CBN bilang grupong IDolls kung saan nakasama niya sina Lucas Garcia at Enzo Almario at nagkaroon sila ng original song na Kapangyarihan.


Kaya lang, dahil may iba pang pangarap si Matty J., iniwan niya ang career sa Pilipinas, nagpunta sa United Kingdom at itinuloy ang pag-aaral ng Musical Theater sa Royal

Conservatoire of Scotland.


Tatlong taon nang naninirahan ngayon sa Glasgow si Matty J. kung saan nagtatrabaho siya bilang part-time waiter. Kasabay nito, itinutuloy niya rin ang pagmamahal sa musika at last year lang (2025) nang matupad ang kanyang debut as a professional theater actor nang gumanap siyang Sonja sa Oscar at the Crown.


Gumanap na rin siya sa papel na Lola sa Kinky Boots and Clopin sa The Hunchback of Notre Dame at the Edinburgh Festival Fringe in 2024. 


Nu’ng January, 2026 naman, gumanap din siyang Muzha sa musical play na Ne Zha.  

Proud member ng LGBTQIA+ community si Matty J. at gusto niyang patunayan sa lahat na hindi man siya pinalad sa Idol Phils., hindi siya forever talunan. Kaya bilang mga Pinoy, suportahan natin si Matty J. sa kanyang laban sa Britain’s Got Talent.

Congrats at good luck, Matty J.!





Shuvee, binash dahil todo-kilig kay Donny…

BELLE: ‘WAG NA TAYONG MAG-AWAY-AWAY



MATAPOS mag-post ni Donny Pangilinan sa kanyang X account ng kanyang saloobin at pakiusap sa mga fans na namba-bash kay Shuvee Etrata, sa kanya at maging kay Belle Mariano dahil lang sa kumalat na video ng pagpa-fangirling sa kanya ni Shuvee nang magkita sila recently sa isang birthday party, ang Kapamilya actress-singer namang si Belle ang nag-post sa kanyang Instagram Story.


Ayon sa post ni Belle, “Hi all! I call on everyone to let go of the negativity and hate that’s been going around. There are bigger, more important things that need our attention. Let’s choose kindness, patience and understanding. ‘Wag na po tayong mag-away-away.


“Have a blessed Holy Week, Everyone! - Belle Mariano”

Minsan na naming na-interview si Belle at nakita namin kung gaano siya ka-sweet sumagot sa mga tanong. Doon pa lang, na-feel na namin kung gaano siya kabait at kitang-kita sa kanyang mga pananalita ang magandang breeding at pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.





No wonder na marami ang humahanga kay Belle dahil good role model siya.

Kaya lang, sadyang may mga fans na pasaway, pala-away at toxic, at sila talaga ‘yung nag-react nang makitang todo-kilig si Shuvee kay Donny. Inaway-away na agad nila ang Sparkle talent at tinawag na “OA at malandi”, na for sure ay hindi naman kinukunsinti ni Belle.


Pinagkumpara rin ng iba sina Belle at Shuvee kaya pati ang Kapamilya star ay na-bash naman ng ilang Shuvee fans at nalait pa ang ka-love team ni Donny kaya pumiyok na rin ang aktor-host.


Well, sana naman ay manahimik na ang mga toxic faney dahil pati ang mga idols nila, nadadamay tuloy sa kanilang kanegahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page