Pinoy, makikinabang sa dayuhang doktor 'pag nagpraktis sa bansa
- BULGAR

- Jun 15, 2023
- 1 min read
@Editorial | June 15, 2023
Marami sa atin ang may ideya kung gaano kahusay ang mga doktor sa ibang bansa, ito ay dahil na rin sa mga advance na teknolohiya na kanilang ginagamit.
Kaya naman pinag-aaralan na ang posibilidad na payagan ang mga dayuhang doktor na makapagpraktis sa Pilipinas.
Magandang oportunidad ito sakaling pahintulutan ang mga dayuhang doktor sa ating bansa dahil maaaring maturuan tayo ng makabagong kaalaman o ibahagi nila sa atin kung paano nila napapanatiling dekalidad at maayos ang ibinibigay nilang serbisyo sa
mga tao.
Kung iisipin, tila hindi maganda ang sistema ng medikal sa ating bansa kaya sana ay maaprub ang ideyang ito dahil lahat tayo ay makikinabang dito.
Sabi ni Senador Francis Tolentino, tiyak na makikinabang ang ating local medical industry dahil maaari tayong makipagpalitan ng kaalaman sa mga dayuhan at pati na rin sa ‘transfer of technology.’
Ang hamon lang dito ay ang tinatawag na licensing rules, dahil kung walang license to practice ang mga foreigner na pupunta sa ating bansa ay hindi sila papayagan na magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
Kaya naman, hangad natin na luwagan na ang licensing rules upang maaprubahan na ang mga dayuhang doktor na makapagpraktis sa ating bansa.
Maunawaan sana ng gobyerno na kailangan natin ng mga bagong ideya para makapagbigay ng dekalidad na medical services sa ating mga kababayan.



Comments