top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

Election ban, tsuper huwag pabayaan

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | September 21, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi naman humihinto ang pagtaas ng presyo ng diesel dahil may election ban. Pero simula Setyembre 18, pansamantalang nahinto ang P12 kada litrong fuel discount para sa mga PUJ at UV Express habang hinihintay ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) ang pahintulot ng Comelec para maipagpatuloy ang disbursement.


Masakit ang timing. Nitong Setyembre 15-21 lamang, tumaas ng P4.31 kada litro ang diesel, habang ang fuel discount ay maaaring makatipid sa kwalipikadong drayber ng hanggang P1,800 kada linggo.


May dahilan ang election ban: protektahan ang kaban ng bayan laban sa paggamit ng ayuda para sa pulitika. Ngunit may mekanismo rin para pahintulutan ng Comelec ang mga programang saklaw ng ban.


Kaya dapat mabilis ang aksyon. Ang proteksyon laban sa pamumulitika ay hindi dapat mauwi sa pagkakait ng lehitimong tulong sa mga tsuper.


Sa bawat araw na nakatigil ang diskwento, tunay na pera ang nawawala sa bulsa ng tsuper. At kapag hindi na kayanin ng drayber ang taas-presyo ng krudo, pasahero rin ang susunod na tatamaan. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page