top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pinipilit pumirma sa waiver na hindi sasagutin ng “common carrier” kung anuman ang mangyari

BULGAR
May 14, 2022
2 min read

sa delivery


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 14, 2022


Dear Chief Acosta,

Ako ay magpapadala ng ilang mga kagamitan sa aming probinsiya. Pilit akong pinapipirma ng isang kontrata ng delivery truck na aking rerentahan na kung anuman ang mangyari sa mga gamit na aking ipadadala ay wala silang kahit na anumang pananagutan. Kung pipirmahan ko ito, may bisa po ba ito?


Jed

Dear Jed,

Para sa inyong kaalaman, ayon sa Artikulo 1745 at 1746 ng ating New Civil Code of the Philippines, ang isang kasunduan kaugnay sa pag-aalis ng pananagutan ng isang common carrier ay maaaring ipawalang-bisa kung pilit na ipinapapirma ito bilang kondisyon sa pagtanggap ng mga produktong ipaparating.


Ayon dito:


“Art. 1745. Any of the following or similar stipulations shall be considered unreasonable, unjust and contrary to public policy:

(1) That the goods are transported at the risk of the owner or shipper;


(2) That the common carrier will not be liable for any loss, destruction, or deterioration of the goods;


xxx


Art. 1746. An agreement limiting the common carrier’s liability may be annulled by the shipper or owner if the common carrier refused to carry the goods unless the former agreed to such stipulation.” (Binigyang-diin)


Sa inyong sitwasyon, ang kasunduan na pinapirmahan sa inyo ay itinuturing ng ating batas na hindi katanggap-tanggap at salungat sa mga polisiya sa ating lipunan. Samakatuwid, maaari pa ring managot ang nasabing common carrier sa inyo kahit na may naging kasunduan kayo na nag-aalis nito.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page