Pinetisyon noon na mapatalsik sa Wowowee… WILLIE KAY GRETCHEN: ISA KA LANG, MILYON ANG GUSTONG BUMALIK AKO, TALO KA!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 11, 2024

Hindi nagpatinag ang veteran host na si Kuya Willie Revillame, na magbabalik-TV na simula sa July 15 sa kanyang bagong game show titled Wil To Win, kahit pa diretsahang inamin sa kanya ni Gretchen Ho nang mag-guest siya sa programa ng TV5 na Usapang Seryoso na pinetisyon siya nito noon para mapatalsik sa Wowowee game show ng ABS-CBN dahil sa diumano'y panglalapastangan niya sa yumaong dating Pangulong Cory Aquino (SLN).
Imbes ma-hurt sa nalaman, sinagot ni Kuya Wil si Gretchen ng "Hindi ka naman nag-iisa, eh. Marami bang nagpetisyon?” bilang paniniyak kung nakaengganyo nga ba ito ng iba para mapatalsik siya.
Nu'ng sinabi ni Gretchen na hindi nito alam ang resulta ng kanyang ginawa, saka ipinamukha sa kanya ni Kuya Wil na mas kinampihan siya ng ABS-CBN bosses noon kesa sa mga nagpapatalsik sa kanya sa Wowowee.
Hirit pa ni Kuya Wil kay Gretchen, "Alam mo ba 'yun, eh, isa ka lang sa mga nagpepetisyon, ilang milyon 'yung gustong bumalik ka (meaning si Willie). Talo ka.”
'Yun na!
At dahil mahal naman talaga ng mga fans si Kuya Wil, lalo na 'yung mga senior, balik-TV nga siya simula sa July 15, 5 PM para sa kanyang Wil to Win sa TV5.
Pero bago ito, nagsimula na ang week-long na daily Facebook Live ni Willie Revillame bilang paghahanda sa pinakaaabangang WIL-come Back Party na gaganapin sa Linggo,
Hulyo 14, 4:00 PM sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Tumutok sa official Facebook page ng Wil To Win araw-araw tuwing 5 PM para sa updates tungkol sa nalalapit na Wil-come Back Party at para magkaroon ng chance na mapiling lucky callers na mananalo ng mga papremyo. Pipiliin ang mga lucky callers mula sa mga sasagot sa mga katanungang naka-post sa Facebook page ng Wil To Win.
GRABE ang pagtaya ng Pocket Media Productions, Inc. and Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions, Inc. sa tambalang Barbie Forteza at David Licauco para sa launching film ng BarDa na That Kind of Love.
'Yung movie pa lang nila, for sure ay milyones na ang naging budget ng mga baguhang producers dahil kinunan ang ilang eksena sa Korea at meron din sa yate.
Bukod diyan, bongga rin ang promotion ng TKOL dahil we heard na 7 billboards sa EDSA at iba't ibang prominent spots ang pinaglaanan ng budget ng mga producers para matiyak lang na umingay at maalala ng mga tao na showing na ang movie ng BarDa simula kahapon, July 10.
Ang sipag din namang mag-promote nina Barbie at David dahil umikot din sila sa mga shows ng GMA-7 bukod pa sa iba't ibang mall shows para i-promote ang That Kind of Love.
Well, malakas ang chemistry at kilig sa tambalang BarDa kaya wish naming suportahan at tangkilikin talaga ng mga moviegoers ang launching film nina Barbie at David para may mga kasunod pa.
Mula sa direksiyon ni Catherine "CC" Camarillo ang That Kind of Love at kasama rin dito sina Divine Aucina, Kaila Estrada, Arlene Muhlach, Al Tantay, Ivan Carapiet, Jef Gaitan at marami pang iba.
Ex ni Mayor Bistek, mabenta…
HARVEY, MAY BACKER DAW NA BADING KAYA 3 ANG SHOWS SA ABS-CBN
NAKAKATAWA ang pang-iintriga ngayon ng ilang netizens sa anak ni dating QC Mayor Herbert Bautista sa aming Kumareng Tates Gana na si Harvey Bautista.
Dahil sa tatlong sabay-sabay na shows ni Harvey sa ABS-CBN, ang High Street, Zoomers at Pamilya Sagrado, may mga nag-aakusa sa guwapong binata na may backer daw itong gay executive sa Kapamilya Network at meron ding komento na nagbabayad pa raw si Harvey magka-show lang.

Nasa Goin' Bulilit pa lang si Harvey nang una namin siyang makilala. Aminado kami na nu'ng bata pa siya ay talagang mahiyain ang anak na ito ni ex-Mayor Bistek.
Kaya isa rin kami sa mga nagulat at talagang napabilib nang mapanood namin si Harvey sa pelikulang Blue Room (nu'ng 2022) at sa Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes dahil talaga namang nag-level-up siya bilang aktor.
At pasensiya na kay ex-Yorme Bistek pero diretsahan naming sasabihin na mas may lalim ang acting ni Harvey kesa sa kanya, kaya dapat pa bang ipagtaka kung mabenta ngayon ang guwapong binata sa mga shows ng Kapamilya?
Sana ay nag-research muna ang mga nag-aakusa kay Harvey dahil kung tutuusin, hindi nito kailangang mag-artista para kumita ng pera.
Kaya gets namin kung maloka man ang kanyang Mommy Tates sa mga akusasyon na may backer na bading si Harvey dahil hello… ex-mayor ang ama ni Harvey at businesswoman ang kanyang very supportive mom sa kanyang showbiz career.
And FYI, hindi lang naman si Harvey ang may tatlong sabay-sabay na shows sa network, 'no, maging si Elijah Canlas ay pinagsabay ding gawin ang Senior High at Batang Quiapo.
Kaya tumigil na ang mga inggiterong frog na nang-iintriga kung bakit mabenta si Harvey. Baka hindi lang mabigyan ng show ang mga alaga nila kaya panay ang kokak nila, hahaha!
INTERESADO rin palang mag-showbiz dito sa atin ang American beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2022 na si R'Booney Gabriel.
Unang pinasok ni R'Booney ang hosting at nakapag-host na nga ito sa ilang showbiz-related events, pero ayon sa chika ng aming friend na si Wheyee Lozada, gusto rin daw mag-artista ni R'Booney.
Ang nakakatuwa raw, wala pa mang major acting project si R'Booney, may nagtiwala na rito para kuning endorser ng PINA Soap, Pina Light and Pina Glow skin care products kasama ang isa pang beauty queen na si Miss International 2023 3rd Runner-up Nicole Borromeo.
Waiting kami kung kelan ipapa-interview ni Mama Wheyee sina R'Booney at Nicole sa launching ng kanilang endorsement para maitanong namin kung sino ang gusto nilang maging leading man sakaling mag-artista na nga rin sila.





Comments