top of page

Pinay Knott, 8th Place sa 60-M Dash World Athletics

  • BULGAR
  • Mar 24, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | March 24, 2022




Nabigo si Kristina Knott nang maorasan lang siya ng season-best 7.39 seconds nang magtapos sa women's 60-meter dash sa World Athletics Indoor Championships sa at Stark Arena sa Belgrade, Serbia.


Nakuntento ang Filipino-American sprinter sa kanyang season-best performance para sa eighth place sa second heat at nabigong maabot ang semifinals. Si Knott ang nag-iisang Pinoy na kinatawan ng bansa sa paligsahan dahil si pole vaulter EJ Obiena ay nalagay sa alanganin ang sitwasyon.


Sa kabila ng maagang pag-empake sa kompetisyon, naungusan naman ni Knott ang dati niyang 7.42 seconds sa World Tune-up–Adam Sanford Pro finals sa New York noong nakaraang dalawang linggo.


Nagreyna si Mujinga Kambundji ng Switzerland sa women’s 60-meter world championship, nang maorasan ng 6.96 seconds sa finals. Habang nalagay sa silver si Mikiah Brisco ng United States at tumapos ng 6.99 segundo habang ang kabayan na si Marybeth Sant-Price ay pumangatlo sa oras na 7.04 segundo.


Gold medal naman ang kinana ni Mondo Duplantis ng Sweden nang lampasan ang sariling record. Nagawang lundagin ni US-born Duplantis ang 6.20 metres sa ikatlong pagkakataon at nilampasan pa ang 1 sentimetro na record best sa Stark Arena sa Belgrade na nakaraang dalawang linggo.


Nang sumablay ang mga karibal na sina Chris Nilsen at Thiago Braz, ginanahan si Duplantis sa pagtalon.

Binigo naman ni Cuban triple jumper Lazaro Martinez si Olympic champion Pedro Pichardo para sa gold. Nagawang lundagin ni Martinez ang first-round 17.64 metres, nilampasan pa ng 43 centimetres ang dating record habang silver si Portugal's Cuban-born Pichardo sa 17.46m. Nagwagi ng bronze si American Donald Scott.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page