HEART AT MOND, TODO-PATUTSADAHAN SA SOCMED
- BULGAR

- 9 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 21, 2026

Photo: IG _mond & _iamhearte
Pumutok na ang tila ‘silent war’ nina Heart Evangelista at Mond Gutierrez. Halos sunud-sunod kasi ang patutsada ng isa’t isa sa social media.
Sa isang interbyu ni Heart ay may ikinuwento siya about a person na pinaupo niya sa kanyang tabi sa isang fashion show abroad.
Kuwento ni Heart, “Naalaala ko, wala s’yang upuan sa isang show. Tapos, naawa naman ako kasi parang, sweet-sweet ‘yung boses, ‘Oh, you know I’ve never done this. You’re so good.’ ‘You know, I really wanna do this. I wanna do this also. I really love what you're doing. I think it’s amazing,’ ganyan, ganyan.”
Pagkatapos ay pinatabi na lang daw ni Heart sa tabi niya ‘yung kausap n’ya malapit sa rampahan ng mga models. Sa press area pa raw kasi sa itaas nakaupo ang kausap ni Heart.
“Malaman-laman mo, pak! Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi ngayon,” saad ni Heart.
Habang si Raymond ay may post sa kanyang Instagram (IG) Story na pagkutya sa ibang Pinoy na fashion pa rin ang iniisip sa kabila ng kalamidad na nararanasan ng mga kababayan natin dulot ng bagyo at baha.
“While others are so focused on fashion and what’s on sale or not, this is the state of our country. We deserve better from our public servants & their families,” lahad ni Raymond.
Prior to this, may post din si Raymond sa kanyang IG Story na may patama raw kay Heart.
Patutsada ni Raymond, “What a joy to have REAL friends! #CleanMoneyGirls”
Parehong walang pangalan na binanggit sina Heart at Mond sa mga kuda nila. Pero malakas ang kutob ng mga netizens na sila ang mga personalidad na involved sa iringan na ito sa socmed (social media).
KIM KAY PAULO: MAGIGING SULIT KUNG PARA SA ‘YO ANG HANTUNGAN
Naghasik ng kilig si Kim Chiu sa pa-reveal ng kasalukuyang estado ng kanyang puso sa It’s Showtime (IS) episode kahapon.
Naatasan kasi ang mga hosts na magbigay ng statement tungkol sa love life nila ngayon. Bago si Kim ay nauna muna sa kanya ang iba, gaya ni Darren Espanto.
Sey ni Jugs Jugueta, “Miss na miss ang misis dahil nasa Middle East.”
Napakatamis namang sinambit ni Ion Perez ang kanyang statement na patungkol kay Vice Ganda.
“Walang dulo ang pagmamahal ko sa ‘yo, irog (mahal) ko,” sabi ni Ion.
Sey naman ni Ogie Alcasid, “Nagmamahal. At habang buhay na nagmamahal.”
Maiyak-iyak si Ryan Bang bago sambitin ang laman ng puso niya ngayon, “Nadurog lang ang paminta. Pero mabubuo… sino kaya?”
Agad na naglapitan ang mga kasama ni Ryan na hosts sa IS para i-comfort siya.
Obviously, may pain at lungkot pa rin sa puso niya dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang fiancée na si Paola Huyong.
“Dating allergic sa pangmatagalan. Ngayon, ikaw naman ang gustong panindigan,” sabay ngiti ni Darren.
Naku, sino ba ‘yan, Darren?
At nang turn na ni Kim, kinilig ang lahat ng nasa studio.
“Marami man ang aking pinagdaanan, magiging sulit kung para sa ‘yo ang hantungan,” sweet na sabi nya.
Pati ang mga netizens, kinilig sa sinabi ni Kim. At knows nila kung sino ang tinutukoy niya. Siyempre, walang iba kundi si Paulo Avelino.
Sey ng mga nakapanood…
“Happy for you, Kimmy. Ang saya rin namin.”
“Confirm mo na, Kimmy.”
“Confirm na ‘to!”
Yes na yes!





Comments