top of page
Pokwang.jpg

Pinatatagal lang daw para malimutan ang ghosting kay Bea…

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2021
2 min read

RELASYONG JULIA AT GERALD, KINUMPIRMA NA NI OGIE

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 1, 2021





Sisitahin o tatawagan kaya nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang talent manager/vlogger/host na si Ogie Diaz dahil kinumpirma nito ang kanilang relasyon?


Ilang buwan na rin kasing tanong ng publiko kung sina Gerald at Julia na, pero hindi pa rin sila umaamin. Pero parang tinatakam naman nila ang lahat sa mga posts nila sa kani-kanilang social media accounts.


Ayon kay Ogie sa ikalawang bahagi ng Truth or Dare challenge nila ni Aiko Melendez sa YouTube channel ng huli ay natanong kung naniniwala siyang may relasyon na sina Gerald at Julia.


Walang kagatul-gatol na sagot ni Ogie, “Ako, naniniwala. Truth. Sa akin lang ‘to, kasi pinili ko ‘yung truth, so sasabihin ko 'yung totoo, ‘yung feeling ko. So feeling ko, si Gerald at si Julia na, kasi maraming mga patotoo.


“So, feeling ko lang, sa mga naglalabasan katulad ng mga kamay na balbon, hindi ipinapakita kasi sa mga shots, tapos kamay ni Julia, hindi ipinapakita sa (larawan), I mean, ipinapakita ‘yung kamay pero hindi ‘yung mukha.


“So, parang pinagtagni-tagni ‘yun ng mga netizens. So, magkasama sila palagi. So, feeling ko, pumunta na rin ‘yung pamilya ni Julia Barretto ru’n sa resort sa Zambales ni Gerald, ‘di ba? So, naniniwala ako na sila na.”


Sabi pa nito, “Pinapatagal muna nila bago sila umamin para malimutan ‘yung sulutan at ghosting ng jowa."


Ang biglang hindi pagtawag at pakikipagkita ni Gerald sa kasintahang si Bea Alonzo noong 2019 ang sinasabing ‘ghosting’ dahil nga nauugnay na noon ang aktor kay Julia pagkatapos nilang i-shoot ang pelikulang Between Maybes sa Japan.


At nagselos naman si Joshua Garcia na boyfriend noon ni Julia, kaya sila naghiwalay, na sa katagalan ay lumutang ang isyung ‘sulutan.’


Ang mismong netizens na rin ang nakahuli kay Julia na si Gerald ang boyfriend niya ngayon dahil sa Tiktok challenge ng aktres na inaming ‘taken’ na siya at ‘Afam’ ang jowa na ibig sabihin ay hindi purong Pinoy at mas matanda sa kanya dahil sinagot niya ng ‘older.’


Si Gerald ay 32 na sa Marso 7 at si Julia ay 24 naman sa Marso 10.


Ayyy, pareho palang Marso ang kaarawan nila.


So, alam na this!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page