top of page

Pinasok sa bahay... Mag-asawa at anak, minasaker

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | March 1, 2025



Tatlong  miyembro ng pamilya ang minasaker sa loob ng kanilang bahay sa Zamboanga City. Mai Ancheta

Photo: Tatlong miyembro ng pamilya ang minasaker sa loob ng kanilang bahay sa Zamboanga City. (Mai Ancheta)



Patay ang tatlong miyembro ng pamilya makaraang pagbabarilin habang nakaligtas naman ang sanggol sa Brgy. Entrada Mangga Bolong, Zamboanga City.


Kinilala ang mga biktima na mag-asawang Rodel at Jenny Espinosa, at ang 19-anyos na anak na si Jenrose.


Batay sa imbestigasyon, bigla umanong pumasok sa bahay ng mga biktima ang mga salarin pasado alas-8 ng gabi nitong Biyernes at pinagbabaril habang nagpapahinga ang mga ito.


Nagulantang ang mga kapitbahay ng biktima dahil sa sunud-sunod na putukan at makalipas ang ilang minuto ay nalaman na ng mga ito ang nangyari sa mga biktima.


Himalang nakaligtas sa insidente ang dalawang buwang sanggol na ngayo'y nasa pangangalaga na ng mga kamag-anak ng mga biktima.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page