top of page
Atasha Muhlach as Annie Batungbakal - IG.jpg

Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng P3,798 halagang disinfectant

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by BRO @News | September 30, 2026



Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng P3,798 halagang disinfectant

Photo: MPD-PIO



Arestado ang isang 41-anyos na lalaki matapos umanong magnakaw ng walong lata ng disinfectant spray na nagkakahalaga ng P3,798 sa isang supermarket sa Ermita, Manila, nitong Martes, Setyembre 29.


Ayon sa Manila Police District (MPD), napansin ng roving security guard ang lalaki na inilalagay ang mga spray sa kanyang backpack habang nasa household section ng supermarket.


Sinundan siya ng guwardiya hanggang sa food court at hiningan ng resibo, pero wala itong maipakitang patunay na bayad ang mga gamit.


Narekober sa kanya ang walong disinfectant spray at isang backpack.


Dinala ang suspek sa ospital para sa physical examination bago isinailalim sa imbestigasyon ng MPD. Inihahanda ang kasong theft sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page