Lalaki, patay sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Cebu

by BRO @News | September 30, 2026

Photo: Circulated
Patay ang isang 29-anyos na lalaki habang sugatan ang kanyang kinakasama at 3-anyos nilang anak matapos banggain ng cargo truck ang kanilang motorsiklo sa National Highway, Barangay Jubay, Liloan, Cebu, alas-7:20 ng umaga nitong Martes, Setyembre 29.
Kinilala ang namatay na si Jequel Yparraguirre, residente ng Consolacion. Isinugod siya sa ospital sa Danao City pero idineklarang patay pagdating doon.
Sugatan naman ang kanyang kinakasama na si Lovely Ann Panahon, 30, at kanilang anak.
Ayon sa pulisya, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo nang lumabas sa main road ang cargo truck mula sa isang parking lot. Malakas ang naging banggaan at malubhang nasugatan si Yparraguirre.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Edilberto Pepito Jr., 45. Hinihintay ng pulisya ang pamilya ng biktima para sa pagsasampa ng kaso.





Comments