'Pinas, tinalo ang Aussie, swak sa battle for 5th
ni Gerard Arce - @Sports | August 29, 2022

Bumuhos ng atake sina power hitters Tots Carlos at Jema Galanza upang isalba ang Creamline Cool Smashers-Philippine national team para padapain ang magigilas na Australia national team sa isang come-from-behind 5th set panalo sa 21-25, 25-19, 19-25, 25-18, 15-12 upang mabigyan ng pagkakataon na makatapos sa ika-limang pwesto sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women sa Philsports Arena sa Pasig City kahapon.
Naging pangunahing sinandalan ng Creamline-Pilipinas ang dalawang scorer nang lumikha ng lima at 4 na puntos ang parehong conference MVP mula Premier Volleyball League (PVL) sa fifth at deciding set upang makabalik sa laban kasunod ng pagkakadapa sa una at ikatlong set.
Tumapos ang 25-anyos na si Jema Galanza ng second best 18 puntos mula sa 17-of-51 atake at isang ace, habang nanguna para sa Pilipinas ang 24-anyos PVL MVP mula Lubao, Pampanga na si Carlos sa 26 puntos.
Nag-ambag din si PVL Invitational Conference Finals MVP Celine Domingo ng 15pts atake, 3 blocks at 1 ace, habang may 6pts si Jeanette Panaga.
Bumuhos ang dating UP Lady Maroons ng unang 2 puntos sa 5th set, gayundin ang pandiinang hambalos para 15 puntos. Subalit nagsanib-pwersa sina Wieler at Caitlin Tipping ng Australia para itabla ang laro sa 12-12.
Hindi na muling naka-puntos ang Volleyroos sa laro ng magkaroon ito ng mag-error na sinundan ng matinding running spike set nina Jia Morado-De Guzman at Jeanette Panaga para sa 14-12. Tinapos ni Carlos ng isang nagbabagang hampas sa gilid ang laro upang maitakda ang laban kontra Chinese-Taipei ngayong Lunes ng 1 p.m. para sa ika-5th at 6th place.
Mga laro ngayon (Philsports Arena) 10:00 n.u. – Iran vs Australia; 1:00 n.h. – Chinese Taipei vs Philippines; Awarding Ceremony





Comments