‘Pinas, para makilala sa buong mundo… BINI, IPINAKILALA NA BILANG TOURISM AMBASSADOR
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Alicia Abarnas (OJT) @Special Article | July 5, 2026

Photo: BINI PH
Hindi lang basta chart at concert stage ang sinasakop ng Nation’s Girl Group na BINI, dahil opisyal na silang pumasok sa mundo ng turismo.
Ipinakilala bilang pinakabagong mukha ng Department of Tourism (DOT) ang grupo matapos ang courtesy call kay Tourism Sec. Dita Angara-Mathay nu’ng Hulyo 3.
Imbes na pormal na kumustahan, nagpaulan agad ng mga ideya ang BINI kung paano ibibida ang kulturang Pilipino
“We made the right choice. I am so happy,” sey ni Sec. Angara-Mathay na bilib sa bagsik ng utak ng walong dalaga na nagmula pa sa iba't ibang probinsiya.
Ayon sa DOT, matagal nang kinakarir ng BINI ang pagiging kinatawan ng bansa sa pagbibida ng mga tradisyonal na outfits sa kanilang foreign guestings.
Kaya naman, hindi lang basta "Tourism Ambassadors" ang bansag sa kanila kundi “Ambassadors to the Philippines”.
Ang target? I-promote ang bansa gamit ang fashion, pagkain, palakasan, at sining.
“Nation’s Girl Group for us is representing the Philippines the best way we can. Not just as artists but as human beings. Our goal is to represent the Philippines worldwide and be good role models,” matapang at may paninindigang pahayag ni Mikha Lim.
Abangan natin kung paano "papakislapin" ng BINI ang ganda ng Pilipinas sa buong mundo!
Time flies so fast nga naman talaga!
Ipinagdiwang ng It’s Showtime host na si Jhong Hilario at ng kanyang long-time partner na si Maia Azores ang kanilang ika-15 anibersaryo bilang magkarelasyon.
Sa pinakabagong Instagram post ni Jhong, ibinahagi niya ang kanilang sweet getaway sa Hong Kong kasama ang kanilang napakakyut na anak na si Sarina Hilario.
Sa uploaded Instagram reels ng magdyowa, ipinasilip nila ang kanilang pagbisita sa mga romantic at memorable na lugar sa HK.
Hindi rin nila pinalampas na balikan at kainan ang mga paborito nilang sikat na restaurants na madalas nilang pinupuntahan noong bago pa lamang silang magkasintahan.
Ayon sa caption ni Jhong, “A day in Hong Kong, walking around and revisiting some of our favorite spots to eat in the city as we celebrate our 15th anniversary.”
Umani naman ng samu’t saring pagbati at "sana all" mula sa mga netizens at kapwa artista ang dalawa dahil sa kanilang solid at nananatiling matatag na relasyon sa loob ng labinlimang taon kahit ‘di pa rin sila nagpapakasal hanggang ngayon.
“I hope you become difficult!”
Ito ang naging viral na hamon ng premyadong broadcast journalist na si Atom Araullo sa ginanap na UP Baguio Pagtatapos 2026 nu’ng Martes, June 30.
Agad namang nilinaw ni Atom na hindi niya gustong maging bastos, kundi gusto lang niyang ipaabot ang kanyang prinsipyo.
Aniya, “I don't mean difficult in a sense na impossible na kayong makatrabaho, not difficult in the sense na hassle ka-bonding, not rude, not performative, not contrarian for clout. I mean the right kind of difficulty.”
Dito na pumasok ang kanyang malalim na hugot para sa mga bagong iskolar ng bayan. Pinaalalahanan din niya ang mga graduates na bitbitin ang integridad at responsibilidad sa lipunan, at balikan ang legasiya ng Cordillera hero na si Macli-ing Dulag.
"But as you go, carry something stubborn within you. The country does not need more 'successful' people who are pleasant, polished, and harmless. It needs people who are difficult to fool, difficult to buy, difficult to discourage, difficult to turn indifferent.
Not everyone is called to give everything. But everyone is called to protect something," dagdag pa ni Atom na umani ng malakas na palakpakan.
Nag-iwan naman ng matinding "food for thought" sa mga netizen ang viral speech na ito ni Atom, na nagsisilbing pampagising sa natutulog na nasyonalismo ng mga kabataan ngayon.





Comments