‘Pinas, out na sa may Top 20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo
- BULGAR
- Nov 1, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 01, 2020
MAGHANDA, MAKINIG, MAG-MONITOR AT MAKIISA PARA IWAS-DISGRASYA SA BAGYONG ROLLY—Malakas ang Bagyong Rolly, kaya’t panawagan natin sa ating mga kababayan na tatamaan ng bagyong ito na maghanda na ng pagkain, inuming tubig, flashlight, first aid kit at iba pa; makinig at mag-monitor ng mga weather updates at makiisa, na ibig sabihin kapag may panawagan ang mga lokal na pamahalaan na lumikas ay dapat magsilikas na sa kanilang lugar ang mamamayan.
Maghanda, makinig, mag-monitor at makiisa para iwas-disgrasya, period!
◘◘◘
BAKA MAGING 100% NA ANG RATING NI P-DIGONG KASI OUT NA ANG PHILIPPINES SA TOP 20 NA MAY MARAMING NAGKA-VIRUS SA BUONG MUNDO—Out na ang ‘Pinas sa Top 20 ng mga bansa sa mundo na may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19.
Baka dahil sa data na ‘yan ay maglabas ng rating ang palso, este Pulse Asia na 100% performance rating ni P-Duterte kasi sa wakas ay bumaba na ang rank ng Philippines, abangan!
◘◘◘
HUWAG PAKAMPANTE KASI 1ST WAVE PA LANG NG COVID-19 ANG NANANALASA SA BANSA—Dapat tandaan ng mamamayan na kahit laglag na sa Top 20 ang Pilipinas ay hindi nangangahulugang nagtatagumpay na tayo sa paglaban sa COVID-19.
‘Ika nga, hindi dapat magpakampante ang mga Pinoy kasi kaya lang naman umakyat ang Ukraine ay dahil nananalasa na ngayon sa kanila ang 2nd wave ng virus, at dapat pakatandaan ng mamamayan, ang pananalasa ng COVID-19 sa Pilipinas ay 1st wave pa lang, wala pa ang 2nd wave, period!





Comments