‘Pinas, nasa state of calamity dahil sa ASF
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 17, 2021
Magandang balita sa ating local hog industry ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Pilipinas dahil sa African swine fever (ASF).
Unang nakapasok ang ASF sa ating bansa noong 2019 at ngayon nga ay kumalat na sa 2,571 na barangay sa 46 na probinsiya sa buong bansa.
Sa tulong ng deklarasyon ng state of calamity, magkakaroon ng access ang national at local government sa kanilang mga quick response funds na maaaring gamitin para sa mga programang naglalayong labanan ang ASF.
☻☻☻
Dahil sa ASF, bumaba ang output ng hog sector ng 25.8% na nagdulot din ng pagtaas ng presyo ng pork products.
Umaasa tayong sa pagdedeklara ng state of calamity, mabibigyan ng prayoridad ang mga programa para sa hog repopulation at matutugunan ang ating problema sa supply deficit pagdating sa local pork products.
Kaya naman, hinihimok natin ang Department of Agriculture na agarang kumilos at gamitin ang buong kakayanan nito para tutukan ang biosecurity at ayusin ang sistema ng surveillance at border controls pagdating sa ASF.
☻☻☻
Nagpapasalamat din tayo sa pangulo dahil pinakinggan nito ang suhestiyon ng Senado na babaan ang Minimum Access Volume (MAV) o ang kabuuang bilang ng pupuwedeng makapasok na imported na baboy sa bansa.
Naniniwala tayong hindi sagot ang importation sa ating problema sa mataas na presyo ng baboy.
Bagkus, dapat lalo pang suportahan ng pamahalaan ang local hog industry at siguruhing makababangon ang industriyang ito mula sa pagkakalugmok na dulot ng ASF.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments