‘Pinas, nag-abstain sa ceasefire sa Israel-Hamas war, binanatan ng pro-peace peoples
- BULGAR
- Oct 29, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 29, 2023
P-BBM, AYAW NG KAPAYAPAAN SA ISRAEL AT GAZA, PALESTINE? -- Nagkaroon ng botohan sa United Nationas (UN) para sa tigil-putukan upang hindi madamay ang mga sibilyan sa giyerang namamagitan sa Israel at Hamas Palestine Islamic Group, at ang pabor sa ceasefire para sa kapayapaan ay 120 na bansa, ang tutol ay 14 na bansa at ang nag-abstain o hindi bumoto ay 45 bansa, kabilang dito ang Pilipinas.
Ang pag-abstain sa anumang botohan ay indikasyon na ang boto nito ay “no” kasi kung gusto ng ceasefire para sa kapayapaan, dapat ang boto ng Pilipinas ay “yes”.
Hindi mag-a-abstain sa botohan si Ambassador Antonio Lagdameo, representante ng Pilipinas sa UN kung wala itong basbas ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), na ang nais nating ipunto rito, dahil hindi nag-“yes” vote ang ‘Pinas para sa tigil-putukan, nangangahulugan kaya ito na ang kasalukuyang Philippine president ay ayaw ng ceasefire sa patayang nagaganap ngayon sa pagitan ng Israel at Hamas Palestine Islamic Group? Tsk!
◘◘◘
DAHIL NAG-ABSTAIN SA BOTOHAN PARA SA KAPAYAPAAN, ‘PINAS SA ILALIM NG LIDERATO NI P-BBM NABATIKOS NG PRO-PEACE PEOPLES SA MUNDO -- Sa social media ay binabatikos ngayon ng mga pro-peace peoples sa buong mundo ang 14 na bansang nag-“no” votes, kabilang dito ang Israel at United States, at ang 45 bansang nag-abstain, kabilang dito ang Pilipinas.
Ngayon lang nangyari ‘yan, sa ilalim ng pamumuno ni P-BBM na ang Pilipinas ay nabatikos ng pro-peace peoples sa mundo, boom!
◘◘◘
SA KASUWAPANGAN SA PERA NG BAYAN, 214 YEARS KULONG KAY NAPOLES - Noong October 21, 2023 ay hinatulan ng Sandiganbayan si pork barrel queen Janet Napoles na makulong ng 64 years, at kamakalawa ay hinatulan na naman ito ng Sandiganbayan ng 138 hanggang 150 taong pagkabilanggo, at kung kukuwentahin ito, 214 years siya sa selda, at tiyak dedbol na siya kapag natapos ang sentensya sa kanya.
‘Yan ang napala ng mga taong suwapang sa pera ng bayan, period!
◘◘◘
KAPOS NA NGA SA PONDO ANG GOBYERNO, ISUSUGAL PA ANG KABAN NG BAYAN SA INVESTMENT -- Matapos ianunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na nitong nakalipas na September 2023 ay kinapos na ng P250.9 billion ang pondo ng gobyerno, inanunsyo ni P-BBM na sa next month (November) ay papangalanan na niya ang mga magiging opisyal ng Maharlika Investment Corporation na mangangasiwa sa P500 billion Maharlika Investment Fund (MIF).
‘Yan ang hindi kagandahang nangyayari ngayon sa ‘Pinas, kasi kapos na nga sa pondo, isusugal pa ng Marcos admin sa investment ang kaban at pera ng bayan, tsk!
Comentaris