top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pinas na lang ang tumatangkilik sa Facebook

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 3, 2021



NAKAKASUYA na ang mga post sa social media.


Lahat halos ay simpleng propaganda!


◘◘◘

NABABOY na ang social media.


May iba na itong konotasyon: Basurang impormasyon!


◘◘◘


SA Pilipinas na lang tinatangkilik ang Facebook.


Sa ibang bansa, pinandirihan ito dahil sa pagiging salaula sa paglalabas ng impormasyon!

◘◘◘


ANUMANG inilalabas rito ay walang kredibilidad.


Naging tapunan ito ng mga palsipikadong impormasyon!


◘◘◘


PERO, marami pa ring pulitiko ang gumagamit nito at nag-aaksaya ng kanilang badyet.


Alam naman ng publiko, na walang kredibilidad ang lumalabas na impormasyon sa social media!

◘◘◘


ANG bawat kampo ng mga pulitiko at account owners ay nagpapalitan ng patutsada kung saan — ang bawat isa ay bumabatikos sa kani-kanilang post.


Ayon sa isang panig, peke ang impormasyon at ayon naman sa kabila ay peke rin ang karibal sa post.


Pwes, pare-pareho silang palsipikado.


Kumbaga, sinalaula ng Facebook ang sarili nilang pag-aari!


◘◘◘


WALA itong kakayahang maghugas ng sariling baho.


Ano ang kahihinatnan nito sa hinaharap?


Kanser ‘yan sa paglalabas ng impormasyon!


◘◘◘


AMINADO ito na sinalaula na ang mga post.


At aminado rin sila na hindi nila kayang ilampaso o linisin ang sariling bakuran!


◘◘◘


GUMAGAWA ngayon ng paraan ang Facebook upang makatakas sa pagiging iresponsable.


Babaguhin na ang pangalan nito.


Ito na ang kanilang “waterloo”.


Ikababagsak ‘yan ng Facebook, dahil aktuwal na pag-amin ito ng isang imbensiyon na naging monster at milyon ang naging biktima!


◘◘◘


NAKAPAGTATAKANG napakarami pa rin ang nagpapaloko sa Facebook.


Ang kanilang mga post — ay inaari ay pinagkikitaan ng Facebook nang hindi sila binabayaran.


Hindi alam ng publiko na inuutu-uto lang sila ng Facebook — pero “willing victims” ang mga Pinoy.


Isang klase ‘yan ng kamangmangan sa modernong henerasyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page