top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

‘Pinas, magiging worst country daw… KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 27, 2026



BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallysharoncuneta

Photo: IG _kuhledesma &reallysharoncuneta



Kahit siguro ang aktres-singer na si Kuh Ledesma, magugulat sa feedback ng mga netizens sa comment niyang: “Amen! Tito Sotto for president and Kiko for vice!” sa post ni Megastar Sharon Cuneta ng photo na kasama niya si Sen. Tito Sotto at ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan. 


Ishinare kasi ni Mega ang naturang larawan na may quote ni Laurence Overmire na, “To be on the right side of history is to advocate for the rights and well-being of all people.”

Ang mga comments na natanggap ni Kuh ay… 


“Okey ka lang?” 

“‘Wag mong linlangin ang mga tao.” “Nakakatawa.” 

“So disappointing. I disagree, Sotto and Lacson are protecting the biggest corruption in Philippine history and are on the wrong side.” 

“No vote sa dalawang ‘yan, ‘pag flood control ay tahimik.” 


May OA (overreacting) pang comment na, “Kuh, you might be kidding or else this will be the worst country if they will become what you’ve said.”


Siguro naman, may magandang rason si Kuh kung bakit this early ay napili na niya kung sino ang susuportahan niya sa susunod na eleksiyon. Hindi nga lang niya sinagot ang mga comments na pati siya ay na-bash.


Pero may mga pumabor kay Kuh at sana raw ay magkatotoo ang kanyang sinabi dahil una, hindi corrupt sina Tito Sen at Kiko. May comment pa na baka ang dalawang senador ang kailangan ng bansa.


And speaking of Kuh, isa siya sa mga performers sa Ngayon at Kailanman: The Music of George Canseco concert happening on June 13, 2026 at the Newport Performing Arts Theater. Kakantahin ni Kuh ang mga awitin na isinulat ni Canseco gaya ng Dito Ba? at Ako ay Pilipino.


Sabi ni Kuh Ledesma, kasama sa preparation niya for the said concert ay ang costume na isusuot niya at siguradong bongga ang kanyang OOTD (outfit of the day). 

Hindi siya papatalo kina Leah Navarro, Jona, Rita Daniela at Dulce.





MAY 100 percent ganda points ang aktres na si Ashley Ortega mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo dahil sa ipinahayag niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) tungkol kay Kathryn at sa rumored boyfriend nito na ex-BF naman niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala.


Sabi ni Ashley, “Si Kathryn kasi, I idolize her as an actress. So, parang oh, wow, ang suwerte naman ni Mark na nakakuha s’ya ng Kathryn Bernardo. Kasi it’s been years na rin and finally nakahanap s’ya ng decent girl.”


Nagpasalamat ang mga fans ni Kathryn sa anila’y kind words ng aktres. ‘Katuwa lang ang side comment nila na, “Ang suwerte-suwerte talaga ng kumag na ‘yun.”

May nag-comment din na nangangamoy-forever na ang MarkKath at waiting na sila sa time na magpapakasal ang dalawa at magkakaroon ng mga anak. 

Alam ng mga fans na advance silang mag-isip at dahil daw ito sa mahal nila si Kathryn at ang happiness nito ang habol nila.


May mga pumuri rin kay Ashley, “You are such a queen, bagay ka maging politician’s wife because you’re elegant, graceful, smart and expressive when it comes to your speaking ability.” 


Marami rin ang nag-comment na maganda raw pala ito at mas lalo pang gumanda dahil positive siyang nilalang.





OBVIOUS ang excitement ni Sean Lucas na siya ang napili na maging co-host ni Heart Evangelista sa game show na The People Have Spoken (TPHS). Ini-repost nito sa kanyang Instagram (IG) ang teaser ng show at ang photoshoot nilang dalawa.


Sa interview, sa tabi ni Heart, inamin nitong isa sa mga celebrity crushes niya ang misis ni Sen. Chiz Escudero at dream makatrabaho. At ngayong natupad na, masayang-masaya siya. 


Pabirong sagot naman ni Heart, ngayong magkakatrabaho na sila ni Sean, mawawala na ang pagka-crush nito sa kanya.


Ikinatutuwa ni Heart na original concept ng GMA ang show, kaya kailangan nilang gawin ni Sean ang kanilang best para maging successful ang airing.


First hosting job ito ng aktres bilang game show host at isa sa mga inaabangan ng kanyang mga fans ang OOTD (outfit of the day) niya tuwing airing ng show. 

As for Sean Lucas, host na ito sa Unang Hirit (UH) kaya sanay na at sabi ng mga fans, mahusay itong host.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page