top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Pinas, gagawing Davao City

BULGAR
Jul 4, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 04, 2021


GAGAWING PARANG DAVAO CITY NG PAMILYA DUTERTE ANG ‘PINAS, SILA-SILA LANG ANG MAGPAPALITAN SA PUWESTO—Matapos sabihin ni Presidential spokesman Harry Roque na gusto na ni P-Duterte na patakbuhin sa pagka-pangulo ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio, sinabi ng pangulo na ikonsidera na rin siyang kandidato sa pagka-vice-president sa 2022 election.


Dahil d’yan, lumalabas na seryoso si P-Duterte na gawing ‘Davao City’ ang Pilipinas, na silang Duterte lang ang magpapalit-palitan sa puwesto kada may eleksiyon, boom!


◘◘◘


PUWEDE TUMAKBONG VP SI P-DUTERTE, PERO ANG HINDI MASABI NG IBP KUNG MAY PANALO ITO SA PAGKA-VP—Sabi ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Domingo Cayosa ay puwedeng kumandidatong vice-president si P-Duterte kasi wala naman daw nakasaad sa Konstitusyon na bawal kumandidato sa pagka-VP ang pangulo.


Sa dami nang bumabatikos ngayon sa Duterte gov’t., ang hindi masabi ni Cayosa ay kung may panalo sa pagka-VP si P-Duterte, period!


◘◘◘


NAGIGING MALILIMUTIN NA SI P-DUTERTE—Sa inagurasyon ng operasyon ng LRT-2 ay ibinida ni P-Duterte na sinabihan na niya si Sec. Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr) na magpairal ng libreng sakay sa loob ng isa o dalawang linggo para maligayahan ang mga tao, lalo na ang mga estudyante.


Nagiging malilimutin na si P-Duterte kasi siya mismo ang nagsabi noong June 22, 2021 nang no “face-to-face” classes na ibig sabihin hindi pa puwedeng lumabas ng bahay para pumasok sa klase at pokus muna ulit sa online class ang mga mag-aaral, tapos sabi niya sa pasinaya ng LRT-2 at para maligayahan ang mga estudyante sa libreng sakay sa tren, ha-ha-ha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page