Pinangakuan daw bibigyan ng maraming shows, ‘di tinupad… SARAH, IDEDEMANDA ANG GMA BOSS NA SI ANNETTE GOZON
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 25, 2024

May bagong pasabog sa social media si Sarah Lahbati na labis na ikinabigla ng mga netizens at nagtataka ang marami dahil matagal na raw nangyari ang nasabing insidente (kung totoo nga), pero bakit ngayon ay bigla-bigla niyang naisipan na gumawa ng legal action?
Dawit ang GMA Films president na si Atty. Annette Gozon-Valdes sa akusasyon at balak daw na pagdedemanda ni Sarah Lahbati.
Ayon sa naging salaysay ni Sarah, pinilit daw siya noon ni Atty. Annette Gozon na pumirma sa ICON Talent Management at pinangakuan na bibigyan ng maraming projects sa GMA Network.
Si Sarah Lahbati ang female grand winner ng StarStruck Season 7. Pero hindi na niya gaanong naasikaso ang kanyang career nang ma-in love kay Richard Gutierrez at nagkaroon na sila ng mga anak.
Ngayong naghiwalay na sila ni Richard, bakit naisipan ni Sarah na ungkatin ang lumang isyu? May nagsusulsol ba kay Sarah para gawin ito?
Marami ang dismayado sa ginawang ito ni Sarah Lahbati. Ano ang kanyang motibo?
Well, ayaw munang sagutin at patulan ni Atty. Annette Gozon ang akusasyon ni Sarah Lahbati. Pero sa tamang panahon at sa advise ng kanyang lawyer, bibigyan ng linaw ni Atty. Annette Gozon ang lahat ng paratang sa kanya.





Comments