Pinalitan ng usa… KRIS, WISH NA MAIBALIK SA P500 BILL ANG MUKHA NINA NINOY AT CORY

ni Vinia VIvar @Frankly | October 8, 2026

Photo: IG _michaelleyva & The Visual Traveller
In fairness to Kris Aquino, nakabalik na talaga siya. Bukod sa pagbabalik niya sa camera via Netflix, may mga bagong endorsements na rin ulit siya at ang latest nga ay may comeback cover din siya dahil siya ang bagong cover girl ng October issue ng Tatler Philippines.
Sey nga niya during the pictorial, medyo matagal-tagal na rin daw siyang hindi nakakapag-gown at high heels kaya medyo nanibago siya.
Sa kanyang panayam para sa nasabing magazine, inamin niya na hindi pa raw niya igi-give up ang kanyang trono.
“Do you honestly think I’ll give up the crown? No way. It’s gonna be glued to my head!” aniya.
Aniya pa sa panibagong chapter ngayon ng kanyang buhay, “There was a lot of unfinished business, and if I’m allowed to finish it... then I will make sure it counts and that it matters.”
Napag-usapan din sa interview ang pakikipaglaban niya sa kanyang 8 autoimmune diseases. Halos araw-araw daw ay may pain siyang nararamdaman to the point na hindi siya nakakatulog.
Inamin din niya na sinira ng COVID-19 ang kanyang lungs and kidneys nang dalawang beses siyang tamaan ng nakamamatay na virus.
“COVID part one damaged my lungs; part two, my kidneys. I don’t want a part three. It stops at two,” sey niya.
Sa kasalukuyang health condition, alam naman niyang anything can happen pero ang ayaw na ayaw daw niyang mangyari ay ‘yung madiskubre siya ng mga anak niya na wala nang buhay.
“It could happen that I just won’t wake up. I don’t want my sons to be the ones to discover that their mum is not breathing anymore and all,” pag-amin niya.
Natanong si Kris kung ano ang gusto niyang sabihin ngayon sa kanyang mga magulang na sina former Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino at former President Corazon Aquino.
Aniya, gusto niyang maibalik sa P500 bill ang mukha ng kanyang parents.
“I can give up the airport (which was named after my father) if it means I can put your faces back on the 500-peso bill,” sey ni Kris.
Aniya pa, “The place where you died, Dad, it’s not like I’d be excited about that. The yellow 500-peso bill, on the other hand, I try to keep as many as I can especially the crisp ones, because that’s an honour (for your image to be there). Hopefully, we reclaim that honour.”
As we all know, sa bagong polymer 500-peso bill ay iba na ang design at hindi na makikita rito ang mga mukha nina Ninoy at Cory. Sa halip, tampok dito ang Visayan spotted deer at iba pang wildlife elements.
BACK-TO-BACK-TO-BACK ang panalo sa puso ng mga Pilipino dahil tatlo sa mga programa ng ABS-CBN, ang Coco Martin’s Sigabo (CMS), Someone, Someday (SS), at Honor Thy Mother (HTM) ay nangunguna sa listahan ng top TV shows sa Pilipinas sa iba’t ibang streaming platforms na iWant, Netflix, at Prime Video.
Pinangunahan ng CMS ang listahan ng top TV shows sa iWant matapos ang walang humpay na kilig at good vibes na hatid nina Coco Martin at Julia Montes bilang pekeng mag-asawang sina Gabo at Sam na unti-unti nang nagiging totoo ang feelings para sa isa’t isa.
Patok naman ang SS na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid kasama si Maja Salvador, bilang numero unong TV show sa Netflix Philippines matapos ang matinding acting showdown nina Kathryn at Maja—na umani ng papuri mula sa mga manonood nang sugurin ni Billy (Kathryn) si Bea (Maja) para maningil ng hustisya kasunod ng pag-atake ni Bea sa pamilya ni Billy na muntik nitong ikamatay.
Nananatili namang top TV show sa Prime Video Philippines ang family drama na HTM na mula sa kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN, kasunod ng makabagbag-damdaming aktingan nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza bilang mag-inang nasa proseso ng pakikipag-ayos matapos ang matinding sigalot sa pagitan nilang dalawa.
I-stream ang bagong episodes ng Coco Martin’s Sigabo sa iWant, Someone, Someday sa Netflix na may bagong episode 72 hours in advance, at ang Honor Thy Mother na may bagong episode kada Biyernes sa Prime Video Philippines at sa higit 240 countries and territories worldwide.





Comments