Pinalitan ng kina Andrew E., Janno, Dennis at Jerald… MOVIE NI VICE, OUT NA SA MMFF 2020

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 24, 2020

Kumpirmado nang hindi na kasama ang pelikulang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda sa darating na MMFF 2020.
Dahil sa pinairal na quarantine mula nang magkaroon ng Covid pandemic, hindi nagawang tapusin ni Vice ang shooting ng Praybeyt Benjamin.
Kaya naman, nakapasok sa MMFF ang Pakboys ng Viva Films na pinagbibidahan nina Andrew E., Janno Gibbs, Dennis Padilla at Jerald Napoles.
Magagaling na komedyante ang nasa main cast ng Pakboys at may kani-kanyang style at diskarte sa pagpapatawa. Hindi naman sila dehado kung sila ang pumalit sa slot ng Vice Ganda movie sa MMFF 2020!





Comments