Pinakamayamang senador sina Pacman at Villar, tandem na ba ito sa 2022?
ni Ka Ambo - @Bistado | October 30, 2020
Sunud-sunod na naman ang bagyo.
Wala bang “social distancing” ang mga typhoon?
◘◘◘
RICHEST senators sina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Cynthia Villar.
Sila kaya ang tandem sa 2022?
◘◘◘
INILIBAN ang deadline sa RFID para sa mga daraaan sa expressway.
Mainam naman!
◘◘◘
SERYOSO ba si P-Digong sa kanyang war against corruption?
Bakit wala siyang inuutusan “auditors”?
◘◘◘
HINDI matutukoy ang korupsiyon nang walang “auditors”.
Dapat utusan ni P-Digong ang COA na magbuo ng multi-level task force upang masuri ang transaksiyon sa lahat ng antas ng burukrasya!
◘◘◘
HINDI task force ng mga abogado ang dapat niyang binubuo, bagkus ay super task force ng mga government auditor.
Kapag nakabuo ng ebidensiya ang panel of auditors, d’yan pa lamang papasok ang mga abogado para magsampa ng kaso!
◘◘◘
WALANG alam ang mga abogado sa “accounting system” kaya’t tiyak na maabsuwelto ang kanilang mga kakasuhan sa hukuman.
Pero, kapag auditors ang pinakilos—aktuwal na ebidensiya ang mahahalungkat nito!
◘◘◘
MALINAW na propaganda at walang kauuwian ang gagawing paglaban sa mga korup.
Sa simula pa lamang ay palpak na!
◘◘◘
SA totoo lang, kung seryoso si P-Digong, dapat agad siyang magtalaga ng mga “state auditor” sa lahat ng antas ng burukrasya particular sa mga LGUs at departamento ng gobyerno.
Ibebentot lang si P-Digong ng mga abogado.
‘Yan ang kanilang “negosyo”!
◘◘◘
WALANG alam ang mga abogado sa paghalungkat ng masalimuot na financial records.
Paano nila malalaman ang mali at tama kung wala silang alam sa “accounting system”?
Maunawaan sana ito ng Malakanyang!





Comments