top of page

Pinakamatagal sa medical history... Anak na na-comatose, 42 yrs. inalagaan ng nanay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2023
  • 2 min read

Updated: Nov 1, 2023

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 13, 2023



ree

Hanggang saan ang ating makakaya bago sukuan ang na-comatose nating mahal sa buhay?


Kaya n'yo rin kaya ang ginawa ng isang nanay kung saan ay hindi siya umalis sa tabi ng kanyang anak na 42 years nang comatose? Tama ang pagkakabasa n'yo mga ka-BULGAR, 42 years.


Labing-anim na taong gulang pa lamang si Edwarda O’Bara, isang American, nang siya ay ma-diabetic coma noong Enero 1970.


Ipinanganak siya sa Miami, Florida, noong 1953 at nagkaroon ng childhood history ng diabetes na ginagamot niya lamang gamit ang insulin.


Ang nakakalungkot pa rito, noong Disyembre 1969, siya ay nagkasakit ng pneumonia at ang kanyang dalawang sakit ay sinabing napakahirap para sa kanyang katawan.


Ang kanyang kondisyon ay lumala sa loob ng dalawang linggo at siya ay dinala sa ospital, kung saan siya ay tuluyang na-coma.


Nangyari ito saktong ika-22 anibersaryo ng kasal ng kanyang mga magulang na sina Kaye at Joe.


Bago siya mawalan ng malay, nakiusap siya sa kanyang ina na huwag umalis sa kanyang tabi. Nangako naman si Kaye na hindi niya ito iiwan.


Tinupad ni Kaye ang kanyang pangako at nanatili sa tabi ni Edwarda sa abot ng kanyang makakaya.


Sa loob ng 38 years, pinapaikot niya si Edwarda kada dalawang oras upang maiwasan ang bedsores.


Si Kaye ay hindi natutulog nang higit isang oras upang mabasahan ang kanyang anak, magpatugtog ng music, at kinakausap din niya ito.


Iniwan din ni Joe ang kanyang trabaho para magbantay sa kanyang anak.


Gayunman, nagkaproblema ang pamilya ni Edwarda sa pinansyal dahil sa pag-aalaga sa kanya at nag-iwan sa kanila ng utang na $200,000 o katumbas na P11 milyon, noong 2007.


Inatake sa puso si Joe noong 1972 at namatay pagkaraan ng apat na taon sa edad na 50, habang si Kaye naman ay pumanaw noong 2008 sa edad na 81.


Ang bunsong kapatid ni Edwarda na si Colleen ang pumalit sa kanilang mga magulang upang alagaan siya.


Ipinagdiwang ni Edwarda ang kanyang huling kaarawan noong Abril 2012, sa edad na 59 at nakatanggap siya ng mga mensahe mula sa libu-libong bumati sa kanya.


Nakakalungkot malaman na namatay din si Edwarda noong Nobyembre 21 sa taon ding iyon.

Hindi biro ang sakripisyong ibinigay nina Kaye at Joe matupad lang ang ipinangako nila kay Edwarda na hindi nila ito susukuan.


Totoong walang magulang ang kayang tiisin ang kanilang mga anak at walang makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay sa atin, hangga’t kaya nila ay hindi nila tayo iiwan o pababayaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page