top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ISABELLE, WALANG CASH, BAGONG CELLPHONE ANG IBINIGAY SA TINDERA

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 12, 2026



Isabelle Daza - IG

Photo: Anne Curtis sa It's Showtime / Miss Q & A - YT



Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Isabelle Daza ang isang video clip kung saan makikita siyang bumibili ng paninda mula sa isang tindera na si Catherine.


Wala siyang dalang cash kaya naisipan niyang magbayad na lamang sa pamamagitan ng digital wallet. Nang tanungin niya si Catherine kung maaari itong tumanggap ng digital payment, sinabi ng tindera na wala siyang cellphone dahil nahulog sa baha.


Agad na kumuha si Isabelle ng brand-new cellphone mula sa kanyang kotse at ibinigay kay Catherine.


Sa caption ng kanyang post, ibinahagi ni Isabelle, “This morning I wanted to buy and support Ate Catherine but I didn’t have cash on hand, so I asked her if I could transfer to her via digital pay, but she didn’t have a cellphone. It broke during the flooding…”


Ibinahagi rin ng aktres na na-inspire siya sa mga ginagawa ni Jimmy Darts at nais niyang gawin din ang pagtulong sa kanyang mga kababayan.


“I’ve been so inspired recently watching @jimmydarts and I wanted to do the same for our kababayans. It’s all thanks to you guys that I am able to help and there is no better feeling in the world, so thank you for your constant support and engagement and love on my page," aniya.


In fairness sa Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz, napalaki niyang mabuti at may pusong tumulong ang anak na si Isabelle.

Isang malaking congratulations, Gloria!





Kumpara raw ngayong uso na ang cellphone… 

SEN. ROBIN: PAGMAMAHALAN NOON, MAS MALALIM AT TAPAT



Join na rin ang aktor-senador na si Robin Padilla sa tinatawag ngayong “80’s photo trend” sa social media, kung saan larawang may temang dekada ‘80 ang makikita.

Sa kanyang post, nagbalik-tanaw si Sen. Robin sa panahong wala pang mga cellphones at smartphones at mas simple umano ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao noon.


Ayon sa senador, mas malalim, tapat, at personal ang koneksiyon ng mga tao noon, lalo na sa panahon ng panliligaw at pagsusulatan.


“Walang kokontra dahil ginto ang dekada ‘80! Iyan ang panahon na hindi pa uso ang smartphones, kaya mas malalim, tapat, at mas personal ang koneksiyon ng mga tao," ani Sen. Robin.


Ibinahagi rin ng senador ang ilan sa mga karanasan at nakagawiang bahagi ng buhay noong dekada ‘80, gaya ng pagsusulat ng love letter at paghihintay sa landline para sa minamahal.


Aniya, kailangan noon ng lakas ng loob para makapag-abot ng sulat sa nililigawan o makapag-abang sa telepono na kadalasan ay bantay-sarado ng mga magulang at ginagamit din bilang partyline.


Binigyang-diin din niya ang pagkakaiba ng pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan noon kumpara sa kasalukuyang panahon.


“Wala ring ‘chat group’ noon kundi ang mismong kanto, tapat ng gate, o plaza kung saan nagkikita-kita ang magkakaibigan pagkatapos ng klase," aniya.


Para kay Sen. Robin, bahagi rin ng romantikong kultura noon ang paggawa ng cassette mixtape gamit ang mga love songs na pinatutugtog sa radyo — isang regalong nangangailangan ng tiyaga sa paghihintay sa most requested song.


Binanggit din niya ang kasikatan ng Original Pilipino Music (OPM) at mga kantang banyaga na nagsisilbing salamin ng iba’t ibang emosyon ng mga tao.


“Mas mahalaga noon ang emosyon na nararamdaman kaysa sa nakikita, dahil ang nakikita ngayon ay maaaring manufactured at digitally enhanced," pagtatapos ni Sen. Robin.

Well, golden era talaga ang dekada ‘80. Walang Wi-Fi, pero always connected. Walang Google, pero alam ang lahat ng kapitbahay. Walang GPS, pero kabisado ang shortcut pauwi. 


At higit sa lahat, walang social media… kaya walang resibo ng mga kalokohan! 

Pak, ganern!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page