top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

HEART, NATALBUGAN NI ALEX SA NEW YORK FASHION WEEK

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 12, 2026



Alex Eala at Heart Evangelista - Michael Kors - IG Heart

Photo: Alex Eala at Heart Evangelista - Michael Kors - IG Heart



Talbog si Heart Evangelista ng tennis superstar na si Alex Eala sa fashion event ng isang kilalang brand.


Spotted kasi si Alex na nakaupo sa frontrow ng venue kahilera ang fashion guru na si Anna Wintour. Bukod kay Anna, nasa front seat din ang Hollywood actress na si Amanda Seyfried, Lauryn Hill at iba pang kilalang celebrities around the world.


Waley si Heart sa front seat, pero nandoon naman siya sa loob ng venue. ‘Di lang tiyak kung nasa pang-ilang row nakaupo si Heart. Basta ang malinaw, ‘di siya nakaupo sa harapan malapit sa rampahan ng mga models.


At ang daming tsumika kay Alex pagpasok pa lang niya sa venue hanggang sa makaupo sa kanyang designated seat. Habang si Heart, todo-rampa muna sa kalsada sa labas ng venue. Posing-posing muna si Heart sa labas, sa mga nakakalat na photographers doon.


First time ni Alex na naka-attend sa New York Fashion Week. Kaya naman sobrang excited si Alex sa kanyang bagong experience.


“I’m so excited. I’m a little nervous. There’s uhm, so amazing people in this room. So, I’m so happy to be a part of it,” bulalas ni Alex. 


Ipinaliwanag din ni Alex ang similarity and difference ng fashion and sports.

“Sports and fashion are common in a way where you get to express yourself. You get to, you know, show your personality. Sports is very physically demanding. And fashion? Maybe come back to me after this week and I’ll know more about it,” pahayag ni Alex.


Samu’t sari ang reaksiyon ng mga netizens sa bagong ganap kay Alex outside the tennis court.


“Wow! Front row!!”

“Kaya umiiyak mga bashers ni Alex, eh, madaming ganap. Hahaha!”

“Eto iyong totoong ‘clean money.’”


“Love it! Mukhang si Alex lang at katabi niya ang enjoy na enjoy. Haha! Sarap ng tawanan nila! Pinay talaga, madaling makahanap ng kaibigan.”


“I knew it.. Met Gala invite coming soon.”

Anne Curtis, Heart Evangelista and Pia W. Jauncey left the group? Ganern?!





Mga ninong at ninang, puro bigatin… 

KASAL NINA BRIAN AT MARGARITA, 100 LANG DAPAT ANG GUESTS, UMABOT SA 500



NAGHALO ang mga kilalang personalidad mula sa showbiz, business at pulitika sa kasal ni Brian Poe-Llamanzares kay Margarita Gutierrez noong Miyerkules, September 9.


Sa principal sponsors pa lang ay kita na ang pagsasama-sama ng iba’t ibang celebrities gaya ni First Lady Lisa Marcos, Sen. Tito Sotto, Franklin Drilon, Gregorio Honasan, businessman Ramon Ang, TV heads Cory Vidanes and Annette Gozon, at ang pinakabata sa grupo na sina Coco Martin at Julia Montes.

Hindi naman nakakapagtaka dahil parehong nasa dalawang “mundo” ang bagong kasal – sa showbiz and  politics.


Si Brian ay apo ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino na sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces. Tiyahin din ni Brian si Lovi Poe.


At the same time, only son siya ni dating Senator Grace Poe at ni Mr. Teodoro Llamanzares. 


Parehong nasa public service na rin si Brian at ang bagong misis niya na si Margarita or Maggie to her family and friends.


Si Brian, representative ng FPJ Panday Bayanihan Party-List, habang si Margarita ay Undersecretary ng Department of Justice (DOJ) ngayon.  


Sa kabila nito, gusto sana nilang i-mainitain ang pagiging low key personalities, and also, ang kanilang wedding.


Kaya lang, biglang inanunsiyo ang kasal nila sa Sanctuario de San Jose as part of the church wedding banns. 


Remember, dito rin nadale ang tahimik sanang pagpapakasal ng controversial couple na sina Bea Alonzo at Vincent Co. 


But just the same, pinili pa rin daw nina Brian at Maggie na maging quiet ang kanilang wedding. Kaya naman ipinagbawal daw ang pagkuha ng anumang video or photos during the reception. 


At malinaw naman daw ito sa mga naimbitahan dahil nakalagay ang request na ito sa invitation.


Ang rason umano ay para maiwasan ang pagbatikos sa kasiyahan sa gitna ng dinanas na hirap ng mga kababayan natin dahil sa baha.


During the reception, binanggit ng host na dapat daw 100 guests lang ang imbitado. Pero dahil sa announcement ng church wedding banns, may mga nagpaimbita raw  na ‘di na natanggihan ng bagong kasal, kaya umabot sa 200 ang kanilang invited guests at hanggang sa naging 500 na ang mga dumating sa reception na ginanap sa Foro de Intramuros sa Manila. 


Ang siste, sobrang siksikan na raw sa loob ng reception dahil sa unexpected number of guests na lumobo.


Well, ganyan talaga ang mga Pinoy. Isa lang ang imbitahin, eh, ‘di maiwasang magdala ng kasama at higit pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page