top of page
Search
  • BULGAR

Pinakalma ni Sen. Bato… MARICEL, NAKATAAS ANG 2 KILAY NANG HUMARAP SA SENADO

ni Julie Bonifacio @Winner | May 8, 2024



Showbiz Photo
Photo: Senate of the Philippines

Matapang na sinipot ni Diamond Star Maricel Soriano ang imbitasyon sa kanya na umapir sa hearing sa Senado sa usapin ng ilegal na droga kahapon.


Iniuugnay si Marya sa paggamit daw ng ilegal na droga na may kaugnayan din daw kay Pres. Bongbong Marcos, ayon sa naging talakayan sa hearing ng Senate Committee on Public Order's investigation on the so-called PDEA leaks. 


Ayon sa ilang news report, pinakalma raw ni Sen. Bato dela Rosa si Maricel pagkatapos i-acknowledge ang presence ng aktres at sinabihang uminom ng tubig pagkatapos mapansin ang mga galaw ng  Diamond Star na parang nate-tense.. Nakasuot si Marya ng white blouse at naka-salamin nu’ng dumating sa Senate.


Sa picture na kumalat sa socmed, mapapansin na parehong nakataas ang kilay ni Marya habang naka-panumpa ang isa niyang kamay. 


Say ng netizen, “Oh, pak, kilay ni mother Maria!”


“Sa kilay pa lang, kabahan na kayo kay Inay Marya.”


“INDEED, THE RIGHT PLACE PARA MAGTARAY. ”


“Mother, tarayan mo nga ‘yan mga gunggong na dadamay sa ‘yo. Haha!”


“Pakisampal ng malutong ang mga engot na nagdadamay sa ‘yo, Inay @officialmaryaph”


Marami ang pumupuri kay Maricel sa  pagsipot niya sa Senado.


“Si Maricel Soriano, humarap talaga sa Senado, samantalang ‘yung kampon ni Satanas na si Quiboloy, ‘di na mahagilap!”


“‘Pag wala kang itinatago, ready ka humarap anytime. Ano na, Quiboloy, mahiya ka naman kay Maricel.”


May nanalangin din kay Maricel na ‘di mabastos sa Senate heariing.


“I just hope huwag nilang babuyin at bastusin si Ms. Maricel.”


Sana naman.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page