Pinakahihintay na rematch nina Pacman at Mayweather, kasado na sa September
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
by Cristine Marish Rivera @Sports News | February 24, 2026

Photo: Netflix
Pacquiao vs Mayweather.
Nakatakdang magbakbakan muli ang boxing legends na sina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao matapos ang mahigit isang dekada para sa isang historic rematch sa Sphere sa Las Vegas sa September 20 (PH time).
Inanunsyo ang tapatan ng dalawa ilang araw matapos isapubliko ni Mayweather na sasabak siyang muli sa laban mula sa pagreretiro.
Samantala, mapapanood nang live ang naturang “long-awaited rematch’ sa streaming platform na Netflix.
"Floyd and I gave the world what remains the biggest fight in boxing history. The fans have waited long enough—they deserve this rematch," pahayag ni Pacquiao.
Matatadaang naglaban na ang dalawa noong 2015 sa tinaguriang “Fight of the Century,” kung saan nakuha ni Mayweather ang kampeonato.




Comments