Pinahirapan daw siya bilang Ferdinand Marcos…SIGAW NI CESAR: DIREK DARRYL, SADISTA!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 20, 2022

Para kay Cesar Montano, ang Maid in Malacañang na ang most challenging role na nagawa niya sa buong buhay niya kung saan ay ginagampanan niya ang papel ni former President Ferdinand Marcos, Sr..
Mas challenging pa raw ito kaysa sa pelikulang Jose Rizal kung saan ay gumanap siya bilang ating national hero.
“Sa Rizal po, I was given 7 months to prepare for the role. Ito po yata, may 7 hrs. naman po,” sabi ni Buboy na natatawa.
Pabiro niya pang dagdag, “Sadista ‘yung direktor dito, eh, si Mr. Darryl Yap.”
Pero kahit maikli lang ang kanyang preparasyon, siyempre ay pamilyar naman daw siya sa nangyari noong 1986 dahil nasa college na siya during EDSA Revolution at napanood daw niya sa TV ang nangyari dahil pro-Marcos daw ang kanyang yumaong ama at sinubaybayan nila sa telebisyon ang nangyari that time.
Bukod dito, available naman daw sa internet ang mga footages and videos about the former president.
And nandiyan naman daw parati si Sen. Imee Marcos na sinasagot ang lahat ng kanyang katanungan tungkol sa ama nito.
“Binigyan niya (Sen. Imee) po kami ng isang buong araw. Kahit busy siya nu'n, talagang pinuntahan niya kami para lang sagutin ang lahat ng tanong namin. She sat down with us,” kuwento ni Cesar.
Ilang araw daw niyang pinag-aralan ang karakter ni Macoy at makikita naman sa trailer na talagang mahusay niyang nagampanan ang role bilang napakahusay din naman niyang aktor talaga.
Showing na sa mga sinehan sa bansa ang Maid in Malacañang sa Aug. 3, 2022.





Comments