top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pinagpiyestahan, McCoy... ELISSE, OBYUS NA NAGPARETOKE, NAGING KAMUKHA NI NATHALIE HART

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 18, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 18, 2023




Nagbahagi ng bagong larawan si Elisse Joson sa kanyang Instagram account at inakala ng mga nakakita na siya si Nathalie Hart.


Nang matitigan nang husto ng mga netizens ang larawan ni Elisse, anila ay mukhang may nabago sa hitsura ng partner ni McCoy de Leon.


Hindi naman nakaligtas sa matalas na paningin ng mga netizens ang transformation ni Elisse, na lalong gumanda at nadagdagan ang self-confidence buhat nang magkabalikan sila ni McCoy de Leon matapos ang ilang buwang hiwalayan.


"Online miscommunication" ang ibinigay na dahilan ni Elisse tungkol sa sandaling panahon ng paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak na babae.


Samantala, about kay Nathalie Hart, may anak na ito sa dati niyang foreigner boyfriend. Nagkahiwalay ang dalawa at hindi na nakipagbalikan ang aktres sa nobyo.


Sa ngayon, may bagong karelasyon umano si Nathalie na Australian national at engaged na sila, pero hindi siya nagbigay ng iba pang detalye dahil gusto niyang manatiling pribado ang kanilang pagmamahalan.


May mga nagtatanong na netizens, kelan daw kaya babalik sa pag-arte si Nathalie?


Nanghihinayang kasi sila rito dahil mahusay sa akting ang maganda at seksing celebrity mom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page