Pinagpipiyestahan sa socmed… SUE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA KABIT NI IAN

Julie Bonifacio - @Winner | January 27, 2021

Inalmahan ni Sue Ramirez ang nagkakalat ng edited picture niya at ng katabi niya habang nakahiga na si Maris Racal. Tinakpan ng blank ink ang suot nilang top ng two-piece bikini.
Halatang may malice ang ginawang pag-edit sa picture nina Sue at Mariz. Parang pinalalabas ng gumawa nito na nakahubad sila.
Ilang oras pa lang na naka-post sa Instagram account ni Sue ang naturang larawan nu'ng makita namin, pero almost 500 na agad ang nag-comment.
Halatang galit na galit si Sue sa nakita niyang fake photo nila ni Mariz sa mahabang caption niya and in capital letters, ha?
Narito ang buong caption ni Sue: "NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAG-SHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG-EDIT NG KABABUYAN NA 'TO, NAKAKATAWA BA 'TO PARA SA INYO?!!!!
"Sa 8.1 M followers ko, nakikiusap ako sa inyo. Tulungan n'yo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.
"THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung sa'n nagsimula ito, pls. contact me through DM. Help me get to the bottom of this.
"HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago n'yo sa 'min. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO."
Nagpakita naman ng suporta kay Sue ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.
"This comes in different form. Sometimes fake pictures, sometimes false information. And yes, it has to stop. Those behind it are pure evil," comment ng boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez.
Disgusting naman ang ipinost na comment ng anak ni Sunshine Cruz na si Sam.
"Basura," sabi ng aktor na si Vance Larena.
Prior sa post na 'yan ni Sue sa Instagram, nauna na niyang ipinost ang original picture nila ni Mariz.
"Repost ko lang ulit 'tong mga picture na 'to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung ano'ng dahilan at pinuputakti n'yo kami ng ganito," himutok ni Sue.
Sa caption nito ay nagbanta na si Sue sa mga nagkalalat ng fake/edited photo nila ni Mariz.
"Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung anu-anong katarant*duhan na 'to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala n'yo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo," banta ni Sue.
Dugtong pa niya, "AT 'WAG T*NGA PLS? 'Wag basta-bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTU-UTO."
May mensahe rin si Sue na ipinarating sa mga makakatanggap ng fake/edited picture nila ni Mariz.
"Pls. lang. Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman, may delicadeza at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito," diin pa ni Sue.
Pinalagan din ni Sue ang netizen na nagbanggit naman ng isyu ukol sa kanila ng aktor na si Ian Veneracion.
May netizen kasi ang 'di pa maintindihan ang pinanggalingan ng galit ni Sue sa kanyang IG post na original photos nila ni Mariz.
"Ano ba kasi 'yun?" tanong ng netizen.
"I think 'yung edited na may kasama silang lalaki ata."
Kasunod nito ang reply ng isa pang netizen, "Kasi na (nga) kabit siya ni Ian Veneracion."
Sagot ng isa pang netizen, "Nakita ko rin sa ibang article."
"Tsismosa nga talaga, hindi naman sa kabit ang isyu. Lol."
Nag-reply si Sue sa comment ng netizen at sinabihan niya na "Ang tatanga."
Anyway, may mga nagpapayo naman kay Sue na dedmahin na lang ang mga naglalabas ng edited photo niya, habang ang iba ay pinapayuhan siya na idemanda ang mga 'yun.
Oh, my gosh. Si Sue, magsu-sue ng netizen?





Comments